841 Ang Paraan Upang Magawang Perpekto ng Diyos
I
‘Pag mas nauunawaan mo’ng mga salita ng Diyos
at mga ito’y isinasagawa,
mas mabilis kang makatatahak
sa landas ng kaperpektuhan.
Sa pagdarasal, maaari kang maperpekto.
At sa pagkain sa mga salita ng Diyos,
pag-unawa’t pagsasabuhay nito,
ikaw ri’y magagawang perpekto.
Sa pagdanas ng Kanyang salita,
dapat mong mabatid
kung ano ang kulang sa iyo,
at makita ang nakamamatay na depekto
at iba mo pang mga kahinaan;
dapat mong hanapi’t manalangin sa Diyos.
At sa paggawa nito, ika’y magagawang perpekto.
Landas sa pagkaperpekto’y pagdarasal
at pag-inom ng mga salita ng Diyos,
pag-unawa sa kahulugan nito at pagdanas nito,
pag-alam kung ano ang kulang sa iyo,
pagpapasakop sa gawain ng Diyos,
pagmamalasakit sa pasanin ng Diyos
at pagtalikod sa laman
dahil sa pag-ibig mo sa Diyos,
at pagsali sa malimit na pagbabahagi,
na kayang buhay mo’y pagyamanin.
II
Kung ito man ay nasa komunidad,
o kung ito’y sa pribado,
o kaya’y sa malaki o maliit na grupo,
sila’y makatutulong sa’yo
na makakuha ng karanasan,
at sanayin ang puso mo’ng maging
tahimik sa harap ng Diyos at bumalik sa Kanya.
Lahat ito’y bahagi ng proseso
ng pagiging perpekto.
Danasin at tikman ang mga salita ng Diyos
upang tulutan kang ito’y isabuhay,
nang magkaroon ka ng matinding pananalig
at pagmamahal sa Diyos.
At unti-unting mawawaksi mo ang
iyong tiwaling disposisyon;
maisusuko mo’ng mga maling motibo,
mabuhay gaya ng normal na tao.
‘Pag mas matindi’ng pag-ibig sa Diyos sa loob—
ika’y mas naperpekto—
mas ‘di ka malulukuban ng katiwalian ni Satanas.
Sa tunay na karanasan, unti-unting matatahak mo
ang landas sa pagkaperpekto.
Kung nais mo ang maperpekto,
dapat manatiling isaisip
ang kalooban ng Diyos at isabuhay
ang Kanyang mga salita.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isaisip ang Kalooban ng Diyos para Makamit ang Pagiging Perpekto