264 Ang Kahigitan at Kadakilaan ng Makapangyarihan-sa-lahat
I
Simbilis ng kidlat, mundo’y maaaring magbago
ng ideya’t pagmamasid ng Diyos.
Darating, mga bagay na di pa narinig ng tao.
Taglay nila’y maglalaho.
Di maarok mga yapak ng Diyos.
Walang nakadarama ng kahigita’t
kadakilaan ng lakas N’ya.
Dahil nakahihigit, dama Niya
ang di madama ng iba.
Mawaksi ma’y ililigtas pa rin sila;
ganyan Siya kadakila.
II
Buhay at kamatayan,
panuntunan sa buhay, alam Niya.
Pundasyon Siya ng tao sa buhay nila.
S’ya ang Manunubos
na muling bumubuhay sa tao ulit.
Masayang puso’y pinabibigat,
malungkot, inaangat.
Di maarok mga yapak ng Diyos.
Walang nakadarama ng kahigita’t
kadakilaan ng lakas N’ya.
Dahil nakahihigit, dama Niya
ang di madama ng iba.
Mawaksi ma’y ililigtas pa rin sila;
ganyan Siya kadakila.
III
Lahat ng ito para sa plano Niya,
lahat para sa gawain Niya.
Lahat ng ‘to para sa plano Niya,
lahat para sa gawain Niya.
Di maarok mga yapak ng Diyos.
Walang nakadarama ng kahigita’t
kadakilaan ng lakas N’ya.
Dahil nakahihigit, dama Niya
ang di madama ng iba.
Mawaksi ma’y ililigtas pa rin sila;
at kaydakila Niya, kaydakila Niya,
ganyan Siya kadakila.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hinagpis ng Makapangyarihan sa Lahat