538 Ang Tao ay Naliligtas Kapag Iwinawaksi Nila ang Impluwensya ni Satanas
Ⅰ
Katawan ng tao’y kay Satanas,
suwail, napakarungis, marumi.
Layaw nito ay siyang nasà ng tao.
Kaya Diyos kinasusuklaman ito.
‘Pag iwinaksi mo katiwalian ng laman,
matatamo mo ay kaligtasan.
Sa dumi ni Satanas,
Diyos ay ‘di mo maipapamalas,
ni matatanggap pamana Niya.
Kapag perpekto ka na,
magiging banal ka at nakalulugod sa Kanya.
Ⅱ
Kapag ‘winaksi ng tao ang dumi ni Satanas,
ang Diyos sila ay ililigtas.
Kapag ‘di nila iwinaksi dumi at katiwalian,
napapailalim pa rin sila kay Satanas.
‘Pag iwinaksi mo katiwalian ng laman,
matatamo mo ay kaligtasan.
Sa dumi ni Satanas,
Diyos ay ‘di mo maipapamalas,
ni matatanggap pamana Niya.
Kapag perpekto ka na,
magiging banal ka at nakalulugod sa Kanya.
Ⅲ
Mula sa mga panlilinlang ni Satanas;
palalayain ka ng pagliligtas.
Gawain ng Diyos, iligtas ang mga tao.
‘Pag iwinaksi mo katiwalian ng laman,
matatamo mo ay kaligtasan.
Sa dumi ni Satanas, Diyos ay ‘di mo maipapamalas,
ni matatanggap pamana Niya.
Kapag perpekto ka na,
magiging banal ka at nakalulugod sa Kanya.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 2