539 Ang Impluwensya ni Satanas ay Hindi Maitatakwil Nang Hindi Hinahanap ang Katotohanan
1 Nang likhain ng Diyos ang mga tao, ito ay upang matamasa nila ang Kanyang kasaganaan at tunay Siyang mahalin; sa ganitong paraan, mabubuhay ang mga tao sa Kanyang liwanag. Ngayon, tungkol naman sa lahat niyaong hindi kayang mahalin ang Diyos, hindi pinapansin ang Kanyang mga pasanin, hindi magawang ibigay nang lubusan ang kanilang puso sa Kanya, hindi magawang umayon sa Kanyang puso, at hindi kayang dalhin na parang kanila ang Kanyang mga pasanin—ang liwanag ng Diyos ay hindi sumisikat sa gayong mga tao, samakatuwid ay nabubuhay silang lahat sa ilalim ng impluwensya ng kadiliman. Sila ay nasa landas na lubhang salungat sa kalooban ng Diyos, at walang bahid ng katotohanan ang anumang kanilang ginagawa. Nakalublob sila sa burak na kasama ni Satanas; sila ay mga taong nabubuhay sa ilalim ng impluwensya ng kadiliman. Lahat niyaong hindi matanggap ang gawain ng Diyos, o tinatanggap ang gawain ng Diyos ngunit hindi makatugon sa Kanyang mga hinihiling, ay mga taong nabubuhay sa ilalim ng impluwensya ng kadiliman. Yaon lamang mga naghahangad na matamo ang katotohanan at kayang tumugon sa mga hinihiling ng Diyos ang tatanggap ng mga pagpapala mula sa Kanya, at sila lamang ang tatakas mula sa impluwensya ng kadiliman.
2 Lahat niyaong naniniwala sa Diyos, subalit hindi naghahangad na matamo ang katotohanan, ay walang paraan upang makatakas mula sa impluwensya ni Satanas. Lahat niyaong hindi nabubuhay nang may katapatan, na maganda ang asal sa harap ng iba ngunit iba ang asal pagtalikod nila, na nagpapakita ng pagpapakumbaba, pasensya, at pagmamahal bagama’t ang diwa nila ay mapanira, tuso, at hindi tapat sa Diyos—ang gayong mga tao ay tipikal na mga kinatawan niyaong mga nabubuhay sa ilalim ng impluwensya ng kadiliman; sila ang mga kauri ng ahas. Yaong mga naniniwala lamang sa Diyos para sa sarili nilang pakinabang, mapagmagaling at mayabang, mapagpasikat, at pinoprotektahan ang sarili nilang katayuan ay mga taong nagmamahal kay Satanas at kumokontra sa katotohanan. Ang mga taong ito ay lumalaban sa Diyos at lubos na nabibilang kay Satanas. Yaong mga hindi pumapansin sa mga pasanin ng Diyos, na hindi naglilingkod sa Diyos nang buong-puso, na laging inaalala ang sarili nilang mga interes at ang interes ng kanilang pamilya, na hindi magawang iwanan ang lahat upang gugulin ang kanilang sarili para sa Diyos, at na hindi kailanman namumuhay ayon sa Kanyang mga salita ay mga taong hindi sakop ng Kanyang mga salita. Ang ganitong mga tao ay hindi maaaring tumanggap ng papuri ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tumakas mula sa Impluwensya ng Kadiliman, at Kakamtin Ka ng Diyos