537 Ang Paggising sa katotohanan sa Iyong Banig ng Kamatayan ay Labis na Huli

I

Maraming tao ang nagsasalita

ng labis na kaalaman

ngunit sa huli, umiiyak sa kanilang

banig ng kamatayan.

Kinamumuhian nila’ng sarili

dahil sa pag-aaksaya ng kanilang buhay

at nabubuhay ng mahaba para sa wala.


Nauunawaan lamang nila ang mga doktrina,

pero katotohanan ay ‘di maisakatuparan.

Sa halip na magpatotoo sa Diyos,

sila’y parang bubuyog

na tumatakbo paroo’t parito.


Sa bingit lamang ng kamatayan

na nakikita nila sa wakas ang totoo:

Nakikita nilang ‘di talaga nila kilala ang Diyos,

at sila’y kulang sa tunay na patotoo.


Bakit ‘di samantalahin ang araw?

Ba’t ‘di hanapin ang katotohanang mahal mo?

Bakit pa maghihintay hanggang bukas?

Hindi pa ba huli ang lahat?

Bakit ‘di hanapin ang katotohanan,

magdusa para sa katotohanan

habang ika’y nabubuhay?

Nais mo bang mamatay na may panghihinayang?

Kaya bakit naniniwala sa Diyos?


II

Maraming bagay kung saan ang mga tao’y

maaaring isakatuparan ang katotohanan

sa kaunting pagsusumikap,

at sa paggawa nito,

binibigyang-kasiyahan ang Diyos.


Ngunit sinasapian ng mga demonyo

ang kanilang puso,

kaya sila ay ‘di makakilos

para sa kapakanan ng Diyos.

Sa halip sila’y kumikilos alang-alang sa laman

at walang natatamo sa huli.


Ito ang dahilan bakit ligalig ang tao

at nagdurusa sa kahirapan.

Hindi ba ito ang mga pahirap ni Satanas?

Hindi ba ito ang katiwalian ng laman?


Huwag subukang lokohin ang Diyos

nang walang laman na salita,

ngunit gumawa ng natitiyak na pagkilos.

Ano’ng silbi na linlangin ang iyong sarili?

Ano’ng mapapala ng pamumuhay

para sa laman at katanyagan?


Bakit ‘di samantalahin ang araw?

Ba’t ‘di hanapin ang katotohanang mahal mo?

Bakit pa maghihintay hanggang bukas?

Hindi pa ba huli ang lahat?

Bakit ‘di hanapin ang katotohanan,

magdusa para sa katotohanan

habang ika’y nabubuhay?

Nais mo bang mamatay na may panghihinayang?

Kaya bakit naniniwala sa Diyos?


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Kang Mamuhay Para sa Katotohanan Yamang Naniniwala Ka sa Diyos

Sinundan: 536 Yaong mga Hindi Naghahangad sa Katotohanan ay Hindi Makasusunod Hanggang Katapusan

Sumunod: 538 Ang Tao ay Naliligtas Kapag Iwinawaksi Nila ang Impluwensya ni Satanas

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

998 Ang Mensahe ng Diyos

ⅠNakaraa’y lumipas na,huwag na ditong kumapit pa.Nanindigan kayo kahapon.Maging tapat sa Diyos ngayon.Ito’ng dapat n’yong malaman.Kahit...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito