184 Nagkatawang-tao ang Diyos Upang Talunin si Satanas at Iligtas ang Tao
I
Sa panahong ‘to
ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa lupa,
ginagawa Niya’ng Kanyang gawain sa gitna ng tao.
Lahat ng gawaing ito’y may isang layon:
upang talunin si Satanas.
Tatalunin Niya si Satanas
sa pamamagitan ng paglupig sa tao,
pati sa paggawang ganap sa inyo.
Kapag kayo’y matunog na nagpapatotoo,
ito rin ay magiging tanda ng pagkatalo ni Satanas.
Ang nagkatawang-taong Diyos
ay para lang talunin si Satanas
at iligtas lahat ng sangkatauhan.
II
Upang si Satanas ay matalo,
una, ang tao’y nilulupig, tapos ginagawang ganap.
Subalit sa diwa, habang tinatalo si Satanas,
nililigtas ng Diyos ang tao
mula sa mundo ng pasakit.
Hindi mahalaga kung
ang gawaing ito’y isinasagawa
sa Tsina o sa buong sansinukob,
ito’y upang talunin si Satanas at tao’y iligtas,
upang tao’y makapasok sa kapahingahan.
Ang nagkatawang-taong Diyos
ay para lang talunin si Satanas
at iligtas lahat ng sangkatauhan.
Ang pagkakatawang-tao ng Diyos
sa normal na katawang-tao
ay para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas.
Ang gawain nitong nagkatawang-taong Diyos
ay magligtas sa mga nagmamahal sa Diyos.
III
Ito’y para sa kapakanan ng paglupig
sa sangkatauhan at pagtalo kay Satanas.
Ang ubod ng gawain ng Diyos
ay ‘di mapaghihiwalay
mula sa pagtalo kay Satanas
para sa kaligtasan ng tao.
Ang nagkatawang-taong Diyos
ay para lang talunin si Satanas
at iligtas lahat ng sangkatauhan.
Ang nagkatawang-taong Diyos
ay para lang talunin si Satanas
at iligtas lahat ng sangkatauhan,
at iligtas lahat ng sangkatauhan.
Nililigtas Niya’ng lahat ng sangkatauhan.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan