185 Ang Tingin ng Diyos sa Sangkatauhan

I

Nang masaksihan ni Jesus

ang buhay ng tao sa kasalanan,

puso Niya’y napuno ng matinding hangarin—

mapalaya’ng tao sa pakikibaka nila.

Dapat Siyang ipako sa krus para sa

kasalanan ng tao sa madaling panahon.

Ito ang nasa isip ni Jesus

no’ng namuhay na Siya kasama’ng tao’t

nadama’ng lungkot nila

sa pamumuhay sa kasalanan.


Na ang Diyos na nagkatawang-tao’y

magkakaro’n ng kaloobang ‘to para sa tao—

ito ba’y disposisyong mayro’n

ang karaniwang mortal?


Lagi Niyang makikita ang tao

sa paningin ng pagka-Diyos,

mula sa taas ng Kanyang posisyon

bilang Lumikha.

Lagi Niyang makikita ang tao

sa diwa’t isip ng Diyos,

‘di sa mga mata ng tiwali o karaniwang tao.


II

Bagama’t ang Diyos ay nag-aanyong tao,

inaaral ang kaalaman, ang wikang ginagamit nila,

paraan ng tao’y gamit upang ipahayag ang iniisip,

kita Niya’ng tao sa paraang

‘di kayang makita ng tao.

Pananaw Niya sa diwa

ng mga bagay ay ‘di pareho

sa pananaw ng tiwaling lahi ng tao.


Ang Kanyang pananaw at kataasan

kung saan Siya nakatayo’y

‘di kayang maabot ng sinumang tiwaling tao.


Lagi Niyang makikita ang tao

sa paningin ng pagka-Diyos,

mula sa taas ng Kanyang posisyon

bilang Lumikha.

Lagi Niyang makikita ang tao

sa diwa’t isip ng Diyos,

‘di sa mga mata ng tiwali o karaniwang tao.


III

Dahil Diyos Mismo’ng katotohana’t

katawang-tao Niya’y may diwa ng Diyos,

kaisipan Niya bilang tao’y katotohanan,

pati mga pagpapahayag Niya.

Kahit ga’no kababa’ng Kanyang katawang-tao,

kung pa’no Siya minamaliit ng tao,

saloobin at kaisipan Niya sa tao’y

‘di kayang kopyahin o taglayin.


Lagi Niyang makikita ang tao

sa paningin ng pagka-Diyos,

mula sa taas ng Kanyang posisyon

bilang Lumikha.

Lagi Niyang makikita ang tao

sa diwa’t isip ng Diyos,

‘di sa mga mata ng tiwali o karaniwang tao.


Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III

Sinundan: 184 Nagkatawang-tao ang Diyos Upang Talunin si Satanas at Iligtas ang Tao

Sumunod: 186 Mas Mauunawaan ng Tao ang Diyos sa Pamamagitan ng Diyos na Nagkatawang-tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito