924 Ang Diwa ni Satanas ay Malupit at Masama
1 Binubuo ni Satanas ang reputasyon nito sa pamamagitan ng panlilinlang sa mga tao, at madalas nitong ipinakikita ang sarili nito bilang isang tagapanguna at huwaran ng pagkamakatuwiran. Sa ilalim ng pagpapanggap na ito ay nagbabantay sa pagkamakatuwiran, pinipinsala nito ang mga tao, nilalamon ang kanilang mga kaluluwa, at ginagamit ang lahat ng uri ng paraan upang pamanhirin, linlangin, at buyuin ang tao. Ang layunin nito ay pasang-ayunin ang tao at pasunurin sa masamang pag-uugali nito, upang sumama rito ang tao sa paglaban sa awtoridad at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Gayunman, kapag naging malinaw na ang isang tao hinggil sa mga pagbabalak, pakana at kasuklam-suklam na mga palabas nito at ayaw nang magpatuloy na tapak-tapakan at lokohin nito o patuloy na alipinin nito, o maparusahan at mawasak na kasama nito, binabago ni Satanas ang dating malasantong anyo nito at pinupunit ang huwad na maskara nito upang ibunyag ang tunay nitong mukha, na masama, malisyoso, pangit at mabagsik. Wala itong ibang nais kundi lipulin yaong lahat ng tumatangging sundin ito at yaong mga lumalaban sa masasama nitong mga puwersa.
2 Sa puntong ito, hindi na makakapagpakita si Satanas ng isang mapagkakatiwalaan at maginoong anyo; sa halip, mabubunyag ang tunay na pangit at maladiyablong anyo nito sa likod ng pag-aanyong tupa. Sa sandaling malantad ang mga pakana at tunay na anyo ni Satanas, magpupuyos ito sa labis na pagkapoot at ilalantad ang kalupitan nito. Pagkatapos nito, ang pagnanais nitong pinsalain at lamunin ang mga tao ay lalo lamang titindi. Ito ay dahil sumiklab ito sa galit sa pagkagising ng tao sa katotohanan; at nakabubuo ito ng isang makapangyarihang paghihiganti laban sa tao dahil sa kanilang paghahangad na magkaroon ng kalayaan at kaliwanagan, at makawala mula sa kulungan nito. Ang labis na poot nito ay naglalayong ipagtanggol at pagtibayin ang kasamaan nito at ito rin ay isang tunay na pagbubunyag ng malupit na kalikasan nito.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II