925 Hindi Tinutulutan ng Diyos si Satanas na Basta-bastang Saktan ang mga Nais Niyang Iligtas
I
Matapos ang pagsubok at patotoo ni Job,
nagpasya ang Diyos
na magkamit pa ng katulad niya,
‘di pinapaatake si Satanas sa tao
tulad ng ginawa nito kay Job.
Pinagbawalan ng Diyos si Satanas
na gawing muli’ng gano’ng bagay
sa taong siyang napakahina,
hangal at mangmang.
Sapat nang si Satanas ay tinukso na si Job.
Awa ng Diyos ay nagliligtas sa tao
mula sa abuso ni Satanas.
Yaong ililigtas ng Diyos at yaong nagpapatotoo
ang kaibuturan ng
plano ng pamamahala ng Diyos.
Sila ang halaga ng anim na libong
taong pagsisikap ng Diyos.
Pa’nong basta na lang sila ibibigay ng Diyos
kay Satanas?
II
Ang lahat at buhay ng mga sumusunod sa Diyos
ay kontrolado Niya.
‘Di kayang manipulahin ni Satanas
ang mga hinirang ng Diyos sa gusto nito.
Alam ng Diyos ang mga kahinaan,
kahangalan at kamangmangan ng tao.
Upang lubusang maligtas,
tao’y dapat ibigay kay Satanas,
ngunit ang Diyos ay ‘di nais
makitang niloloko’t inaabuso ang tao.
‘Di Niya nais makitang laging nahihirapan ang tao.
Tao’y ginawa ng Diyos,
at inaangkin Niya’ng responsibilidad at awtoridad
sa tao at mga nilikha!
‘Di tinutulutan ng Diyos si Satanas na
abusuhin ang tao sa gusto nito,
ni tulutang iligaw ang tao
o tapakan ang batas ng pamumuno ng Diyos.
‘Di rin tinutulutan si Satanas
na tapakan ang soberanya,
ang pamamahala’t pagliligtas Niya sa tao.
Yaong ililigtas ng Diyos at yaong nagpapatotoo
ang kaibuturan ng
plano ng pamamahala ng Diyos.
Sila ang halaga ng anim na libong
taong pagsisikap ng Diyos.
Pa’nong basta na lang sila ibibigay ng Diyos
kay Satanas?
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II