326 Ang Pinakamalungkot na Bagay Tungkol sa Paniniwala ng Sangkatauhan sa Diyos
I
Ang pinakamalaking kabiguan ng tao sa pananalig
ay ang paghangad na sumamba’t sumunod sa Diyos,
ngunit sarili niyang mga biyaya’t
pinakamagandang hantungan ang binabalak.
Sinong tatalikod sa kanilang mga mithiin
kahit alam nilang sila’y nakakaawa’t kamuhi-muhi?
Sino’ng makakapigil sa sarili nilang mga hakbang
at makakahinto sa pag-iisip lamang sa sarili?
Ang pinakamalungkot na bagay sa paniniwala ng tao
ay ang pagsasagawa niya ng sariling pamamahala,
hindi pinapansin ang gawain ng Diyos
o ang Kanyang pamamahala,
pamamahala ng Diyos.
II
Kailangan ng Diyos
yaong nakikipagtulungan sa Kanya
para makumpleto ang Kanyang pamamahala,
yaong sumusunod at binibigay ang lahat nila
sa gawain ng Kanyang pamamahala.
‘Di Niya kailangan ng namamalimos
o yaong gumagawa’t naghihintay
ng Kanyang gantimpala,
kinamumuhian yaong namamahinga
sa kanilang tagumpay.
Ang pinakamalungkot na bagay sa paniniwala ng tao
ay ang pagsasagawa niya ng sariling pamamahala,
hindi pinapansin ang gawain ng Diyos
o ang Kanyang pamamahala,
pamamahala ng Diyos.
III
Namumuhi ang Diyos sa mga walang damdaming
minamasama ang gawain Niya
at pinag-uusapan lang
ang langit at mga pagpapala.
Mas lalo Siyang nasusuklam
sa mga nagsasamantala
ng pagkakataon sa Kanyang gawain
ng pagliligtas sa sangkatauhan.
‘Pagkat kailanma’y ‘di nila pansin
ang nais ng Diyos
na makamit sa Kanyang gawain.
Sinasamantala’ng gawain Niya
para sa mga pagpapala.
‘Di iniingatan puso ng Diyos,
sila’y nakatutok sa sarili nilang
kinabukasa’t tadhana.
Ang pinakamalungkot na bagay sa paniniwala ng tao
ay ang pagsasagawa niya ng sariling pamamahala,
hindi pinapansin ang gawain ng Diyos
o ang Kanyang pamamahala,
pamamahala ng Diyos.
IV
Yaong minamasama’ng pamamahala ng Diyos
at walang pakialam kung paano
nililigtas ng Diyos ang tao
ay ginagawa ang gusto nila
nang malayo sa pamamahala ng Diyos.
‘Di tinatandaan o sinasang-ayunan ng Diyos,
ang kanilang pag-uugali,
ni ito’y tinitignan nang may pabor sa Kanya.
Ang pinakamalungkot na bagay sa paniniwala ng tao
ay ang pagsasagawa niya ng sariling pamamahala,
hindi pinapansin ang gawain ng Diyos
o ang Kanyang pamamahala,
pamamahala ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 3: Maaari Lamang Maligtas ang Tao sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos