53 Tunay na Isang Pagpapala na Makabalik sa Harapan ng Diyos

1 Dati, naniniwala ako sa Panginoon dahil sa sakim lamang na paghahanap ng biyaya at mga pagpapala ng Diyos. Nabuhay ako sa gitna ng seremonyang pangrelihiyon, inalipin ng mga kuru-kuro. Nagkakasala at nangungumpisal ako bawat araw; hindi ako makatakas sa kadena ng kasalanan. Noong wala ang mga salita ng Diyos, nabuhay ako sa kadiliman, kawalan, at sakit. Ngunit narinig ko ang tinig ng Diyos, at naitaas sa harap ng Kanyang trono. Bawat araw, tinatamasa ko ang mga salita ng Diyos, at naliliwanagan ako ng Banal na Espiritu. Dahil nauunawaan ko ang katotohanan, may ilaw sa aking puso, at naaalis ang aking mga kuro-kuro at maling pagkaunawa. Dumadalo ako sa piging ng kasal ng Cordero—tunay na isang pagpapala ang mabuhay sa harapan ng Diyos.

2 Nagtitipon ang mga kapatid upang kumain, uminom, at magbahagi ng mga salita ng Diyos. Nagsasalita ako nang simple at hayagan tungkol sa aking katiwalian at mga pagkukulang. Nagbibigay kayo ng mapagmahal na suporta, nagbabahagi ng pag-unawa mula sa karanasan sa mga salita ng Diyos. Mahal natin ang isa’t isa—walang agwat sa pagitan natin, tayo ang pinakamalapit na magkakaibigan sa ating buhay. Nabubuhay tayo sa gitna ng pag-ibig ng Diyos, at ginagampanan ang ating tungkulin nang may iisang puso at isip. Maaaring may mga pagtatalo, ngunit isinasantabi natin ang ating mga sarili, at nagdarasal at naghahanap tayo nang sama-sama. Naliliwanagan ng Banal na Espiritu, nauunawaan natin ang katotohanan at pinalalaya ang ating mga puso. Tunay na isang pagpapala ang mabuhay sa harapan ng Diyos, taglay ang Kanyang mga salita upang gabayan tayo.

3 Nagpapakita sa akin ng katotohanan ng aking katiwalian ang paghatol ng mga salita ng Diyos. Nakikita ko nang malinaw na ang ugat ng kasalanan ng tao ay ang kanyang satanikong kalikasan. Sa mga salita ng Diyos, natagtagpuan ko ang landas upang baguhin ang aking disposisyon. Sinusuri ko ang pagbuhos ng aking katiwalian gamit ang mga salita ng Diyos, at hinihimay at pinagninilayan ang bawat isa. Matapos maunawaan ang katotohanan, isinasagawa ko ito, at unti-unting nalilinis ang aking katiwalian. Habang dumadaan ako sa mga pagsubok, ginagabayan ako ng mga salita ng Diyos, at nararamdaman kong napakakaibig-ibig Niya. Nilinis at iniligtas tayo ng paghuhukom at pagkastigo ng Diyos. Natikman ko na kung gaano kalalim ang pag-ibig ng Diyos. Tunay na isang pagpapala ang mabuhay sa harapan ng Diyos.

Sinundan: 52 Kasama Namin ang Diyos

Sumunod: 54 Ang Pananabik ng Puso Ko

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito