54 Ang Pananabik ng Puso Ko
Ⅰ
Ang mahabang paglalakbay ng mga buhay ng tao,
puno ng hangin, ulan, maraming pagbabago.
Ang tila pinahabang mga taon, mahirap at mapanglaw.
Lumilikha ang maiitim na ulap ng madilim na kailaliman.
Si Satanas ay may hawak na kapangyarihan, masyado siyang malupit,
naghahari tulad ng isang mapaniil na pinuno, ikinukulong ang mga kaisipan.
Natukso, nawawalan ng direksiyon ang tao,
hinahabol ang katanyagan, pakinabang, pasa-pasa mula ulo hanggang paa.
Masyadong nasaktan, naalis ang wangis ng tao.
Puno ng mga sugat, pagod ang katawan at puso.
Walang lakas na natira para lumaban, nasiraan ng loob.
Walang dakong mabalingan, nasasaktan, naguguluhan.
Nananabik na mahanap ang isang lupaing tunay na dalisay.
Napakasidhing naghahanap, naglalakbay sa lupa.
Puno ang puso ng kalungkutan, masigasig akong nananalangin,
umaasang ililigtas ako ng Panginoon mula sa dalamhati.
Ⅱ
Sa isang pagbagsak, pitong kulog ang umaalingawngaw.
Nagpapakita at gumagawa si Cristo ng mga huling araw.
Narinig ko na ang mga salita ng Diyos, lumapit ako sa harap Niya.
Ninanamnam ko ang Kanyang mga salita, alam ko ang katotohanan.
Dinidiligan ako ng mga salita ni Cristo,
nadama ko na sa aking sarili ang tunay na pagmamahal ng Diyos.
Sa pamamagitan ng mga pagsubok, sakit at pagpipino,
ang buhay ay pinayayaman ng patuloy na paglago.
Sa pagiging nahatulan, inaalis ko ang katiwalian,
at tinatamo ang paglilinis at kaligtasan.
At hindi na magkakaroon ng mga luha at pangamba.
Yumuyuko ako sa harap ng Diyos, binubuksan ang aking puso.
Pinili ako ng Diyos dahil sa Kanyang pag-ibig;
nagpapasalamat ako sa Kanyang pagliligtas.
Isinasagawa ko ang katotohanan, nabubuhay sa harap Niya,
ginagampanan ang aking tungkulin, sinusuklian ang Kanyang pag-ibig.
Pinili ako ng Diyos dahil sa Kanyang pag-ibig;
nagpapasalamat ako sa Kanyang pagliligtas.
Isinasagawa ko ang katotohanan, nabubuhay sa harap Niya,
ginagampanan ang aking tungkulin, sinusuklian ang Kanyang pag-ibig,
ginagampanan ang aking tungkulin, sinusuklian ang Kanyang pag-ibig.