832 Nagpasya na ang Diyos na Gawing Ganap ang Grupong Ito ng mga Tao

Bihirang may makaunawa

sa nagpupumilit na puso ng Diyos,

kakayahan ng tao’y napakababa,

mapurol ang espirituwal na pang-unawa,

di iniintindi ang ginagawa ng Diyos.

Kaya Diyos ay laging nag-aalala sa tao.

Puwedeng sumiklab kahayupan ng tao

at anumang oras ay lumabas ito.

Kaya ang Kanyang pagparito ay nahaharap

sa maraming tukso mula sa mga tao.

Nguni’t sa kagustuhang bumuo ng isang grupo,

inihayag na ang kalooban Niya sa tao.

Nagpasya na ang Diyos na buuin ang grupong ito.

Kaya nga, may hirap man o tukso,

Kanyang binabalewala ito.


May mga taong nanunukso,

di nauunawa’t sinisisi ang Diyos,

nguni’t di Niya ‘yan sineseryoso.

Kapag bumaba ang Diyos sa kaluwalhatian,

makikita ng tao na lahat ng ‘yan ginagawa Niya

para sa kanilang kapakanan.

Inihayag na ang kalooban Niya sa tao.

Nagpasya na ang Diyos na buuin ang grupong ito.

Kaya nga, may hirap man o tukso,

Kanyang binabalewala ito.

Kanyang gawain, ginagawa Niya

naniniwalang makikilala nila Siya,

na pag nagawang ganap ng Diyos,

tao’y mauunawaan puso Niya.


Sa Kanyang kaluwalhatian, nagpapakita rito,

sa mga taong ito, walang ‘tinatago.

Sa Kanyang kaluwalhatian, nagpapakita rito,

sa mga taong ito, walang ‘tinatago.

Sa Kanyang kaluwalhatian, nagpapakita rito,

sa mga taong ito, walang ‘tinatago.

Nagpasya na ang Diyos na buuin ang grupong ito.

Kaya nga, may hirap man o tukso,

Kanyang binabalewala ito.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 4

Sinundan: 831 Maniwala na Tiyak na Gagawing Ganap ng Diyos ang Tao

Sumunod: 833 Mga Kailangang Tugunan ng Isang Tao para Maperpekto

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito