831 Maniwala na Tiyak na Gagawing Ganap ng Diyos ang Tao
Nais ng Diyos na gawin kayong perpekto
dito mismo at ngayon din.
Tunay na nais ng Diyos na gawin kayong perpekto,
kahit ano man, kahit paano.
Anumang hinaharap na pagsubok,
o kaganapang maaaring mangyari,
anumang sakuna ang naghihintay,
nais ng Diyos na gawin kayong perpekto.
Ⅰ
Mga ginagawa n’yo ngayon
ang magpapasya ng inyong hinaharap,
biniyayaan man kayo o sinumpa.
Kung gagawin kayong perpekto, kailangan ngayon na;
pagkakatao’y ‘di darating kalaunan.
Salita ng Diyos sa paglipas ng panahon
at salinlahi ‘di pa nakaabot sa taas nito ngayon.
Nakapasok na ‘to sa pinakamataas na dako.
Ang gawain ng Banal na Espiritu
ay hindi pa nagagawa sa mga tao.
Nais ng Diyos na gawin kayong
perpekto dito mismo at ngayon din.
Tunay na nais ng Diyos na gawin kayong perpekto,
kahit ano man, kahit paano.
Anumang hinaharap na pagsubok,
o kaganapang maaaring mangyari,
anumang sakuna ang naghihintay,
nais ng Diyos na gawin kayong perpekto.
Ⅱ
Kakaunti no’ng araw ang nakaranas
nitong gawain ng Banal na Espiritu.
Kahit sa panahon ni Jesus,
mga pahayag ay ‘di ganito kalawak, at ‘di ganito kataas.
Ang mga salita ng Diyos para sa inyo
at mga bagay na nauunawaan n’yo,
at mga bagay na naranasan ninyo,
ay napakataas ng naaabot ngayon.
Tunay na nais ng Diyos na gawin kayong perpekto,
at ito’y ‘di paraan ng pagsasalita.
Ⅲ
‘Di kayo umaalis sa gitna ng mga pagsubok at pagkastigo,
sapat ‘to upang patunayang gawain ng Diyos
ay umabot na sa bagong kal’walhatian.
‘Di ito magagawa ng tao; gawain ‘to ng Diyos Mismo.
Sa gawain ng Diyos kita n’yong
nais Niyang gawing perpekto ang tao,
tiyak na kaya Niyang gawin kayong ganap.
Nais ng Diyos na gawin kayong
perpekto dito mismo at ngayon din.
Tunay na nais ng Diyos na gawin kayong perpekto,
kahit ano man, kahit paano.
Anumang hinaharap na pagsubok,
o kaganapang maaaring mangyari,
anumang sakuna ang naghihintay,
nais ng Diyos na gawin kayong perpekto—
ito’y tiyak at walang pag alinlangang bagay,
ito’y tiyak at walang pag alinlangang bagay.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Pagganap ng Bawat Isa sa Kanilang Tungkulin