642 Ang Pasiya na Dapat Taglayin ng mga Inapo ni Moab
1 Wala nang mas paurong o tiwali kaysa sa mga inapo ni Moab. Kung malulupig ang mga taong ito—sila na napakatiwali, na hindi kinilala ang Diyos o naniwala na may isang Diyos ay nalupig na, at kinikilala ang Diyos sa kanilang bibig, pinupuri Siya, at nagagawa Siyang mahalin—saka lamang ito magiging patotoo tungkol sa panlulupig. Bagama’t hindi kayo si Pedro, isinasabuhay ninyo ang imahe ni Pedro, nagagawa ninyong taglayin ang patotoo ni Pedro, at ni Job, at ito ang pinakadakilang patotoo.
2 Sa huli sasabihin mo: “Hindi kami mga Israelita, kundi pinabayaang mga inapo ni Moab, hindi kami si Pedro, na ang kakayahan ay hindi namin kaya, ni hindi kami si Job, at ni hindi kami maikukumpara sa matibay na pagpapasiya ni Pablo na magdusa para sa Diyos at ilaan ang kanyang sarili sa Diyos, at masyado kaming paurong, at sa gayon, hindi kami karapat-dapat na magtamasa ng mga pagpapala ng Diyos. Itinaas pa rin kami ng Diyos ngayon; kaya kailangan naming palugurin ang Diyos, at bagama’t hindi sapat ang aming kakayahan o mga katangian, handa kaming palugurin ang Diyos—ito ang aming matibay na pasiya. Kami ay mga inapo ni Moab, at kami ay isinumpa. Iniutos ito ng Diyos, at hindi namin kayang baguhin ito, ngunit maaaring magbago ang aming pagsasabuhay at aming kaalaman, at matibay ang aming pasiya na palugurin ang Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig 2