628 Talikuran ang mga Panrelihiyong Kuru-kuro para Magawang Perpekto ng Diyos
I
Kung tinatanggap mo
ang pagkastigo at paghatol
ng salita ng Diyos, relihiyosong gawi’y lisanin,
kuru-kuro’y huwag ipansukat
sa bagong salita ng Diyos,
kung gayon magkakaro’n ka ng hinaharap.
Kung kumakapit sa lumang bagay,
pinahahalagahan ito,
‘di ka maliligtas, ‘di papansinin ng Diyos.
Sa gawai’t salita ng Diyos, ‘di Niya tinutukoy
ang mga lumang paraan
ng nagdaang mga bagay.
Kung nais mong maperpekto,
bitawan ang nagdaang mga bagay.
Kahit ang tama o ginawa ng Diyos dati
ay dapat isantabi.
Kahit na ito’y gawain ng Espiritu,
ito’y dapat mong isantabi.
Ito ang hinihingi ng Diyos.
Dapat muling mabago’ng lahat.
II
Ang Diyos ay laging bago at ‘di naluluma.
‘Di kumakapit sa
mga luma Niyang salita o tuntunin.
Bilang tao, kumakapit ka sa mga lumang bagay,
ginagamit nang mahigpit bilang mga pormula,
ngunit samantala, Diyos ay ‘di gan’to gumagawa
tulad ng ginawa Niya noon,
‘di ba’t nakakagambala ang salita’t kilos mo?
Kung kumakapit ka sa nakaraan,
‘di ba’t kaaway ka ng Diyos?
Handa ka bang masira ang ‘yong buhay
sa mga lumang bagay na ‘to?
Kung nais mong maperpekto,
bitawan ang nagdaang mga bagay.
Kahit ang tama o ginawa ng Diyos dati
ay dapat isantabi.
Kahit na ito’y gawain ng Espiritu,
ito’y dapat mong isantabi.
Ito ang hinihingi ng Diyos.
Dapat muling mabago’ng lahat.
III
Mga lumang bagay na ito’y
hahadlang sa gawain Niya.
Iyan ba ang uri ng taong nais mong maging?
Kung ‘di mo nais ‘yan,
tumigil ka sa ginagawa mo.
Tumalikod, magsimulang muli,
paglilingkod mo dati’y ‘di Niya tatandaan.
Kung nais mong maperpekto,
bitawan ang nagdaang mga bagay.
Kahit ang tama o ginawa ng Diyos dati
ay dapat isantabi.
Kahit na ito’y gawain ng Espiritu,
ito’y dapat mong isantabi.
Ito ang hinihingi ng Diyos.
Dapat muling mabago’ng lahat.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kailangang Maalis ang Paglilingkod na Pangrelihiyon