203 Mga Pagninilay ng Isang Mapagpalugod sa Tao

1 Nakatanggap ako ng satanikong edukasyon sa murang edad, at ang mga pilosopiya ni Satanas ang aking naging kredo. Naging maingat ako, sinisikap na huwag mapasama ang loob ninuman. Mayroon akong ngiti sa mukha kapag nakikitungo sa mga tao, laging mainit ang aking pamamaraan, gayon pa man walang nakapagsasabi ng aking nasasaloob. May mga nakita ako, ngunit hindi kailanman nagsalita tungkol sa mga ito; kahit nasa mga labi ko ang mga salita, pinili ko ang katahimikan. Naging prinsipyo ko sa pakikitungo sa mga tao sa mundo ang “pinoprotektahan ng mga taong nag-iisip ang kanilang sarili.” Sa pagitan ng pagiging matuwid at ng aking sariling mga interes, hindi ko mapigilang piliin ang huli. Tinawag ako ng mga taong “mabuti,” ngunit hindi ko maalis sa sarili ko na makonsensya.

2 Matapos ang mga taon ng paniniwala sa Diyos, ginampanan ko pa rin ang aking tungkulin alinsunod sa sarili kong pilosopiya sa pamumuhay. Nakita ko ang pinsala na idinudulot sa interes ng simbahan, ngunit hindi ako nangahas na sumunod sa mga prinsipyo. Nilabag ko ang disposisyon ng Diyos sa pagtatanggol ko ng masasama upang maprotektahan ang sarili ko. Kinamumuhian ng Diyos, inihulog ako sa kadiliman, kung saan namilipit ako sa matinding paghihirap. Tumatama sa aking konsensiya ang bawat salita ng paghatol ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng kanilang malupit na paghahayag ko nakita nang malinaw ang aking kalikasang sataniko. Naging makasarili ako at masama, isang hipokrito, na kayang ipagkanulo ang Diyos anumang oras. Tunay ngang naging isa akong tuta ni Satanas, walang pag-unawa sa pagiging matuwid, nanakit sa aking sarili at kapwa.

3 Matapos maranasan ang paghatol, nakita ko sa wakas ang aking diwa: Isa akong mapagpalugod sa tao. Naging mapaglalang ako at madaya, at walang paggalang sa Diyos. Kaya kong gumawa ng masama at lumaban sa Diyos. Kinamuhian ko ang aking sarili dahil sa labis na pagkakasala na mahirap nang iwasto. Lalo kong kinamuhian ang sarili ko, at hinangad na magsisi sa lalong madaling panahon. Mapagkakatiwalaan at matuwid ang diwa ng Diyos. Mahal niya yaong mga matapat. Nais kong talikuran si Satanas at mahalin ang Diyos nang buong puso. Magiging matapat akong tao, na naghahanap ng katotohanan sa lahat ng bagay at namumuhay sa mga salita ng Diyos. Ang maging matapat, maging bukas ang puso, ang malaman kung ano ang iibigin at kung ano ang kamumuhian—ito ang pinakapinagpapala ng Diyos. Ang matapat ang tunay na kawangis ng tao; mabubuhay sila sa liwanag magpakailanman.

Sinundan: 202 Ginigising ng Pagmamahal ng Diyos ang Aking Kaluluwa

Sumunod: 204 Ang Paggising ng Isang Taong Nagbibigay-lugod sa mga Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito