204 Ang Paggising ng Isang Taong Nagbibigay-lugod sa mga Tao
1 Dati akong isang taong nagbibigay-lugod sa mga tao na sumunod sa mga pilosopiya sa pamumuhay ni Satanas, pinahahalagahan ang kapayapaan at pagtitiis nang higit sa lahat at hindi kailanman nakikipagtalo sa sinuman. Sa lahat ng aking pakikitungo, pinoprotektahan ko ang aking banidad, pagpapahalaga sa sarili, at katayuan. Alam ko kung ano ang tama at mali, ngunit ayaw kong sabihin kung ano ang malinaw na nakita ko. Kung wala akong kinalaman sa isang bagay, tinatalikuran ko ang mga prinsipyo at binabale-wala ko ang bagay na iyon. Pinrotektahan ko ang sarili ko, pinagtataksilan ang sarili kong konsiyensiya upang hindi mainis ang sinuman. Itinalaga ko ang sarili ko sa paghihirap, namumuhay ng buhay na walang dangal at naiwawala ang aking pagkatao. Wala ako ni katiting na karakter o dignidad at hindi ako karapat-dapat na tawaging isang tao.
2 Nang maranasan ko ang paghatol ng mga salita ng Diyos, bigla akong nagising sa wakas. Sa pagkaunawa sa katotohanan, malinaw kong nakita ang katotohanan ng kasamaan at katiwalian ng sangkatauhan. Nagpatirapa ako sa harap ng Diyos at nakadama ng matinding pagsisisi sa aking puso. Kinamumuhian ko kung gaano ako katiwali at na naiwala ko ang aking budhi at katwiran. Ako ay naging isang taong nagbibigay-lugod sa mga tao na kumilos nang walang prinsipyo; tunay na ako’y naging mapagpaimbabaw. Tuso ako at mapanlinlang at matalino ang tingin ko sa aking sarili, at sinira ko ang aking sariling buhay. Ang paghatol ng mga salita ng Diyos ang gumising sa aking puso sa wakas. Nais kong maging isang tapat na tao, at nais kong malinis sa pamamagitan ng paghahatol. Nais kong hangarin ang katotohanan sa lahat ng bagay upang makakilos ako nang may prinsipyo. Nais kong itakwil ang aking pagiging mapanlinlang, isagawa ang katotohanan, at mamuhay sa liwanag. Nais kong sumunod sa landas ng Diyos at magsanay na matakot sa Diyos at layuan ang kasamaan. Matapat kong gagampanan ang aking tungkulin at isasabuhay ang isang tunay na wangis ng tao upang luwalhatiin ang Diyos.