202 Ginigising ng Pagmamahal ng Diyos ang Aking Kaluluwa

Pinasama na ako ni Satanas.

Likas na akong mayabang at mapagmalaki.

Nalason ni Satanas ang isipan ko.

Gusto ko mang mahalin ang Diyos,

nagkukulang ako, oh, nagkukulang ako.

Nakikilala ko ang sarili ko

dahil sa paghatol ng mga salita ng Diyos.

Nakikita ko ang aking katiwalian,

na walang mabuti sa akin.

Walang nananatiling konsiyensya,

katinuan, personalidad, dangal.

Walang kaligtasan, baka mabuhay ako na parang patay.

Sumusuong ang Diyos sa malaking panganib

para gumawa at iligtas tayo,

gamit ang Kanyang mga salita para hatulan at kastiguhin,

subukan at pinuhin tayo,

baguhin ang ating tiwaling kaluluwa,

nang magkaroon ng halaga ang ating buhay.

Pagdurusahan ko ang lahat ng dapat pagdusahan,

iaalay ang aking huling debosyon.

Magiging tapat ako, at wala akong hihilingin.


Pinagpala ako, itinataas ako ng Diyos

para magawa ang aking tungkulin,

subalit walang-ingat ang ugali ko sa Kanya.

Sa paghahayag ng Kanyang mga salita,

nakikita ko ang aking kademonyohan,

at mas kinamumuhian ko ang aking malalim na katiwalian.

Wala akong konsiyensya o katinuan,

at hindi ko napanatag ang puso ng Diyos kailanman.

Pero paulit-ulit na nagpapakita ng awa ang Diyos sa akin

at ginagawa ang lahat para iligtas ako.

Sumusuong ang Diyos sa malaking panganib

para gumawa at iligtas tayo,

gamit ang Kanyang mga salita para hatulan at kastiguhin,

subukan at pinuhin tayo,

baguhin ang ating tiwaling kaluluwa,

nang magkaroon ng halaga ang ating buhay.

Pagdurusahan ko ang lahat ng dapat pagdusahan,

iaalay ang aking huling debosyon.

Magiging tapat ako, at wala akong hihilingin.


Sa pagpapailalim sa paghatol at pagpipino ng Diyos,

sa wakas ay napadalisay ako.

Nakita ko na kung gaano kadakila at katotoo

ang pagliligtas ng Diyos!

Dahil sa malaking pasensya ng Diyos,

maaari ko rin Siyang mahalin.

Pero huli na ang lahat. Napakalaki na ng utang ko.

Sumusuong ang Diyos sa malaking panganib

para gumawa at iligtas tayo,

gamit ang Kanyang mga salita para hatulan at kastiguhin,

subukan at pinuhin tayo,

baguhin ang ating tiwaling kaluluwa,

nang magkaroon ng halaga ang ating buhay.

Pagdurusahan ko ang lahat ng dapat pagdusahan,

iaalay ang aking huling debosyon.

Magiging tapat ako, at wala akong hihilingin.

Sinundan: 201 Lubhang Makabuluhan ang Paghahanap sa Katotohanan

Sumunod: 203 Mga Pagninilay ng Isang Mapagpalugod sa Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito