Tanong 4: Kung tatanggapin natin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, paano tayo maghahanap para matanggap ang daan ng walang hanggang buhay?

Sagot: Ipinahahayag ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang kabuuan ng katotohanan na ganap na makadadalisay at makapagliligtas sa sangkatauhan, ipinahahayag ang mga katotohanang ito ayon sa masamang diwa at kakulangan natin, ibig sabihin, ito ang mga realidad ng katotohanan na dapat taglay nating mga tao. Gusto ng Diyos na matanggap natin ang mga katotohanang ito bilang walang hanggang buhay natin. Ang katotohanang ito ang daan ng walang hanggang buhay na ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Kaya paano natin hahanapin at makakamit ang daan ng walang hanggang buhay? Naglatag na ang Makapangyarihang Diyos ng praktikal na landas para sa atin. Basahin natin ang ilan pang mga talaga mula sa makapangyarihang Diyos:

Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, at upang tapusin ang plano ng pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay dumating na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian—lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan—tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali’t, bago ang pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawain ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao, o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang pagkasuwail ng tao, sapagka’t dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan. Lahat ng nakasunod sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa harap ng luklukan ng Diyos, at yamang ganito, ang bawat isang tao na tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pakay ng pagdadalisay ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pakay ng paghatol ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).

Ang gawaing panlulupig ngayon ay upang mabawi ang lahat ng patotoo at lahat ng kaluwalhatian, at ang lahat ng tao ay pasambahin sa Diyos, upang mayroong patotoo sa gitna ng mga nilikha; ito ang gawaing gagawin sa yugtong ito. Paano ba talaga lulupigin ang sangkatauhan? Sa pamamagitan ng paggamit ng gawain ng mga salita ng yugtong ito upang lubos na hikayatin ang tao; sa pamamagitan ng paggamit ng pagsisiwalat, paghatol, pagkastigo, at walang-awang sumpa upang lubusan siyang mahimok; sa pamamagitan ng pagsisiwalat ng pagiging mapanghimagsik ng tao at paghatol sa kanyang paglaban upang malaman niya ang di-pagkamatuwid at karumihan ng sangkatauhan, at sa gayon ay gamitin ang mga bagay na ito bilang hambingan ng matuwid na disposisyon ng Diyos. Pangunahing sa pamamagitan ng mga salitang ito na ang tao ay nalulupig at lubos na nahihikayat. Ang mga salita ang paraan tungo sa kahuli-hulihang panlulupig sa sangkatauhan, at silang lahat na tumatanggap sa paglupig ng Diyos ay dapat tumanggap sa hampas at paghatol ng mga salita. Ang proseso ng pagsasalita ngayon ay mismong ang proseso ng panlulupig. At paano ba dapat makipagtulungan ang mga tao? Sa pamamagitan ng pagkaalam kung paano kainin at inumin ang mga salitang ito, at pagkakamit ng pagkaunawa sa mga ito. Pagdating sa kung paano nilulupig ang mga tao, ito ay hindi isang bagay na magagawa nila nang mag-isa. Ang magagawa mo lamang ay, sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salitang ito, malaman ang iyong katiwalian at karumihan, ang iyong pagkasuwail at iyong pagiging di-matuwid, at magpatirapa sa harap ng Diyos. Kung, pagkatapos tarukin ang kalooban ng Diyos, naisasagawa mo ito, at kung mayroon kang mga pangitain at kaya mong lubos na magpasakop sa mga salitang ito, at hindi ka gumagawa ng anumang pagpili nang mag-isa, nalupig ka na—at ito ay siyang naging resulta ng mga salitang ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig 1).

Sa kapanahunang ito, mga salita lamang ang ginagamit ng Diyos upang pamahalaan ang lahat. Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, hinahatulan at ginagawang perpekto ang tao, pagkatapos ay dinadala sa kaharian sa huli. Mga salita lamang ng Diyos ang makatutustos sa buhay ng tao, at mga salita lamang ng Diyos ang makakapagbigay sa tao ng liwanag at isang landas para magsagawa, lalo na sa Kapanahunan ng Kaharian. Basta’t hindi ka napapalayo mula sa realidad ng mga salita ng Diyos, araw-araw kang kumakain at umiinom ng Kanyang mga salita, magagawa kang perpekto ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita).

Ang mahalaga ngayon ay magtuon sa buhay, kumain at uminom pa ng Aking mga salita, danasin ang Aking mga salita, alamin ang Aking mga salita, gawing tunay na buhay mo ang Aking mga salita—ito ang mga pangunahing bagay. Kung hindi kaya ng isang tao na mamuhay ayon sa mga salita ng Diyos, lalago ba ang kanilang buhay? Hindi, hindi nito kaya. Kailangan mong mamuhay ayon sa Aking mga salita sa lahat ng oras at gawing panuntunan ng pag-uugali sa buhay ang Aking mga salita, upang madama mo na ang pagkilos ayon sa panuntunang iyon ay nakakagalak sa Diyos, at ang pagkilos sa ibang paraan ay kinamumuhian ng Diyos; at unti-unti, makakatahak ka sa tamang landas(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 22).

Kung ang isang tao ay kayang bigyang-kasiyahan ang Diyos habang tinutupad ang kanyang tungkulin, may prinsipyo sa mga salita at kilos niya, at kayang pumasok sa katotohanang realidad ng lahat ng aspeto ng katotohanan, siya ay isang taong gagawing perpekto ng Diyos. Masasabi na ang gawain at mga salita ng Diyos ay lubos na naging mabisa para sa gayong mga tao, na ang mga salita ng Diyos ay naging mga buhay nila, na nakamit na nila ang katotohanan, at na nagagawa nilang mabuhay alinsunod sa mga salita ng Diyos. Pagkatapos nito, ang kalikasan ng kanilang laman—iyon ay, ang pinakasaligan ng kanilang orihinal na pag-iral—ay mayayanig at mabubuwal. Pagkatapos taglayin ng mga tao ang mga salita ng Diyos bilang kanilang buhay, magiging mga bagong tao sila. Kung ang mga salita ng Diyos ay maging buhay nila, kung ang pangitain ng gawain ng Diyos, ang Kanyang mga kinakailangan mula sa sangkatauhan, ang Kanyang mga pahayag sa tao, at ang mga pamantayan para sa isang tunay na buhay na hinihingi ng Diyos na magawa nila ay maging buhay nila, kung nabubuhay sila alinsunod sa mga salita at katotohanang ito, sila ay pineperpekto sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Muling isinisilang ang gayong mga tao, at naging mga bagong tao na sila sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos(“Paano Lakaran Ang Landas ni Pedro” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw).

Mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos makikita natin na ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang gawain ng salita. Ginagamit ng Diyos ang salita para hatulan, dalisayin, at perpektuhin ang tao. Kung gusto nating makamit ang daan ng walang hanggang buhay, kailangan nating tanggapin at sundin ang paghatol at pagkastigo ng mga huling araw sa harapan ng upuan ni Cristo. Ang pagkain at pag-inom sa salita ng Diyos, at pagtanggap sa paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos, at sa gayon maintindihan ang katotohanan, malaman ang matuwid na disposisyon ng Diyos, at mahanap ang totoong takot sa Diyos sa mga puso natin, at pagkatapos ay maranasan ang salita ng Diyos para matindihan ang katotohanan at isabuhay ang realidad ng salita ng Diyos ang tanging paraan para matanggap ang daan ng walang hanggang buhay. Ngayon alam na nating lahat na tanging ang salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang makadadalisay, makapagliligtas, at makakaperpekto sa tao. Kung gusto nating makamit ang daan ng walang hanggang buhay, kailangan nating kainin at inumin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at maranasan ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, dahil napakalalim ng malasatanas na kasaman sa kalooban natin. Nabubuhay tayo sa kasalanan, nagkakandarapang ingatan ang mga sarili nating kinabukasan at kapalaran. Hindi natin alam ang pagkakaiba ng mabuti at masama, at hindi alam ang diwa ng kalikasan natin at ang katotohanan tungkol sa kasamaan natin. Hindi natin maintindihan ang pagnanais ng Diyos, at walang kaalaman tungkol sa Diyos, hindi rin natin maintindihan kung ano ang mga gusto at hindi gusto ng Diyos, o maunawaan ang masamang diwa ni Satanas. Nabubuhay tayo batay sa mga malasatanas na kalikasan natin, naghahanap tayo ng katanyagan at kapalaran, nang-iintriga tayo, hinahangaan natin ang kapangyarihan at kasamaan, napagbabaliktad natin ang itim at puti, nagpaparaya tayo sa kasakiman at mga pagnanais natin, atbp. Isinasabuhay natin ang mga malademonyong imahe ni Satanas, walang anumang pagkakatulad sa mga totoong tao. Tanging ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang mga katotohanang ipinahayag ng Diyos ay ang pagbubunyag ng disposisyon ng Diyos at lahat ng mayroon at kung ano Siya. Sa tao, ang katotohanan ay paghatol, pagkastigo, pagsusuri, at pagdadalisay. Sa harapan ng mga salita ng Diyos, mararamdaman natin ang pagdating ng matuwid na disposisyon ng Diyos. Katulad kapag natutunghayan natin ang pagpapakita ng Diyos, nararamdaman ng mga puso natin ang takot sa Diyos. Nararamdaman nating tayo’y mababa, marumi, at maliit. Nakikita natin ang katotohanan ng pagpapasama sa atin ni Satanas, at kung gaano tayo kalayo sa pagtugon sa mga hinihingi ng Diyos. At kapag naiintindihan na natin ang mas marami pang katotohanan, sa pamamagitan ng pagsasagawa, nakakaramdam tayo ng pagkahiya at pagpapaalala para sa mga aksyong hindi umaayon sa puso ng Diyos. Nagsisilbi ang katotohanan bilang pagsusuri, at sa mga aksyong ginagawa natin at mga landas na tinatahak natin, nagsisilbi ang katotohanan bilang gabay, nagiging prinsipyo na batayan ng pagsasalita at pagkilos natin. Kapang mangyayari ito, magiging buhay natin ang katotohanan. Makikita natin na kayang baguhin ng katotohanan ang mga tao. Binabago nito ang kanilang disposisyon, at pineperpekto sila. May malalim na kahalagahan at kabuluhan ang katotohanan sa pag-iral ng tao. Kaya kung tatanggapin natin ang katotohanan bilang buhay na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, makakamit natin ang pagbabago sa disposisyon natin sa buhay, at magtataglay ng katotohanan at pagkatao. Sa gayon, tayo ang mga ginawang perpekto ng Diyos at nagkamit ng katotohanan, mga nakawala sa madilim na impluwensiya ni Satanas at nakamit ng Diyos, at mga sumusunod sa Diyos, nagmamahal sa Diyos, sumusunod sa kalooban ng Diyos, at umaakma sa Diyos. At tayo ang mga taong nagkakamit ng daan ng walang hanggang buhay.

mula sa iskrip ng pelikulang Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono

Sinundan: Tanong 3: Sabi mo ang mga sumusunod lamang sa kalooban ng Diyos ang makakatanggap ng daan ng walang hanggang buhay. Matapos naming magsimulang maniwala sa Panginoon, nagdusa kami at nagbayad para ipalaganap ang ebanghelyo ng Panginoon. Ipinastol namin ang kawan ng Panginoon, pinasan ang krus at sinundan ang Panginoon, nagpakababang-loob, nagtiyaga, at nagpaubaya. Sinasabi mo bang hindi namin sinusunod ang kalooban ng Diyos? Alam naming kung magpapatuloy kami, magiging banal kami, at madadala sa kaharian ng langit. Ibig mo bang sabihin mali ang ganitong paraan ng pag-intindi at pagsasagawa sa salita ng Panginoon?

Sumunod: Tanong 4: Kung tatanggapin natin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, paano tayo maghahanap para matanggap ang daan ng walang hanggang buhay?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito