495 Isagawa ang Katotohanan para Tunay na Magbago
1 Sa kasalukuyan, napakarami ninyong dapat pasukin at isagawa, at mas patung-patong ito at mas detalyado. Kung wala kang walang kaalaman tungkol sa mga katotohanang ito, pinatutunayan nito na hindi ka pa nakakapasok. Kadalasan, ang kaalaman ng tao tungkol sa katotohanan ay napakababaw; hindi nila maisagawa ang ilang pangunahing katotohanan. Hindi naisasagawa ng mga tao ang katotohanan dahil suwail ang kanilang disposisyon, at dahil ang kanilang kaalaman tungkol sa gawain sa ngayon ay napakababaw at may pinapanigan. Sa gayon, hindi madaling gawing perpekto ang mga tao. Napakasuwail mo, at pinananaig mo ang dati mong pagkatao; hindi ka makapanindigan sa panig ng katotohanan, at hindi mo maisagawa kahit ang pinakamaliwanag sa mga katotohanan. Ang gayong mga tao ay hindi maililigtas at sila yaong hindi pa nalupig.
2 Kung ang iyong pagpasok ay walang detalye ni mga layunin, magiging mabagal ang paglago para sa iyo. Kung wala ni katiting na realidad sa iyong pagpasok, ang iyong pinagsisikapan ay mawawalan ng kabuluhan. Kung hindi mo alam ang diwa ng katotohanan, hindi ka magbabago. Ang paglago sa buhay ng tao at mga pagbabago sa kanyang disposisyon ay nakakamtan sa pagpasok sa realidad at, bukod pa riyan, sa pamamagitan ng pagpasok sa detalyadong mga karanasan. Kung marami kang detalyadong karanasan sa iyong pagpasok, at marami kang aktwal na kaalaman at pagpasok, mabilis na magbabago ang iyong disposisyon. Kung nililiwanagan ka ng Banal na Espiritu sa iyong karanasan, saka ka lamang magtatamo ng mas malalim na pagkaunawa sa katotohanan, at makakapasok nang mas malalim.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao