426 Dapat Mong Tiyakin na Patahimikin ang Puso Mo sa Harap ng Diyos

Ang pusong tunay na tahimik sa harap ng Diyos

ay ‘di magagambala ng anuman sa mundo,

kahit ng tao, pangyayari o bagay;

maging tahimik sa harap ng Diyos.

Lahat ng negatibo’y nawawala,

ito ma’y pagkaintindi o masamang isip,

pilosopiya, maling ugnayan sa tao;

pumayapa sa harap ng Diyos.

Tumahimik sa harap Niya,

namnamin ang Kanyang salita,

umawit ng himno at purihin ang Kanyang pangalan.

Bigyan mo Siya ng pagkakataong gumawa sa’yo;

gusto Niya’y maperpekto ka.

Sumunod sa gabay ng Banal na Espiritu

at mamuhay sa harap ng Diyos,

sa gayon mabibigyang-kaluguran mo Siya.

Maging tahimik sa harap Niya.


Yamang ikaw ay laging nagninilay sa salita ng Diyos,

ang iyong puso’y lumalapit sa Kanya,

pinupuno ka nito ng lahat ng Kanyang tunay na salita.

Ang mga positibong bagay ay hindi nagbibigay ng puwang

para sa mga lumang pag-iisip at ginagawa.

Huwag ng magtuon ng pansin sa negatibo;

hindi na kailangang magpakahirap at kontrolin ang mga ito.

Mamuhay sa Kanyang salita

at mas makipagtalastasan sa Kanya.

Maliwanagan at pagliwanagin ka ng Kanyang Espiritu.

Habang ito’y iyong ginagawa,

ang iyong paniwala at pagmamataas ay mawawala.

At malalaman mo kung paano ibigay ang lahat,

magmahal at bigyang-kaluguran ang Diyos,

hindi namamalayang nakakalimutan

ang lahat ng bagay na labas sa Kanya.

Tumahimik sa harap Niya,

namnamin ang Kanyang mga salita,

umawit ng himno at purihin ang Kanyang pangalan.

Bigyan mo Siya ng pagkakataong gumawa sa’yo;

gusto Niya’y maperpekto ka.

Ang gusto Niya’y mapasa-Kanya ang ‘yong puso;

inaantig ng Kanyang Espiritu ang iyong puso.

Sumunod sa gabay ng Banal na Espiritu

at mamuhay sa harap ng Diyos,

sa gayon mabibigyang-kaluguran mo Siya.

Maging tahimik sa harap Niya.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Pagpapatahimik sa Puso Mo sa Harap ng Diyos

Sinundan: 425 Mga Tahimik Lamang sa Harap ng Diyos ang Nagtutuon sa Buhay

Sumunod: 427 Ginagantimpalaan ng Diyos Nang Higit Doble ang mga Nakikiisa sa Kanya

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messnger