674 Lahat ng Ginagawa ng Diyos ay para Gawing Perpekto at Mahalin ang Tao
Anuman ang makamit mo sa hinaharap,
ngayon kita niyong gawain ng Diyos
sa inyo’y pag-ibig.
I
Mula sa panahon ng mga tagapagsilbi
hanggang ngayon,
malinaw na nakikita ng mga tao
kung ga’no kamangha-mangha’ng
gawain ng Diyos.
‘Di maarok ng utak ng tao
kung pa’no gumagawa ang Diyos.
Nakikita ng tao kung ga’no kaliit ang tayog,
at ga’no katindi ang pagkasuwail nila.
‘Sinumpa ng Diyos ang tao para sa isang epekto,
‘di Niya pinatay ang tao.
Sa mga salita Niya ‘sinumpa Niya’ng tao,
ngunit ang sumpa Niya ay ‘di sumapit sa tao.
‘Sinumpa Niya ang pagkasuwail ng tao’t
kaya nung sinambit ng Diyos ang mga sumpa,
Kanyang layunin din ang perpektuhin ang tao.
Hinahatulan at sinusumpa ng Diyos ang tao.
Ngunit sa alinman dito’y pineperpekto Niya’ng tao.
Kailangan Niyang maghatol at magsumpa.
Kanyang pineperpekto
kung ano ang marumi sa tao.
II
Ang Diyos ay ‘di kailanman
gumawa ng gan’to dati,
gumagawa Siya sa inyo,
upang maranasan niyo’ng Kanyang karunungan.
Kahit nagdusa na kayo sa loob,
puso niyo’y matatag at payapa.
Malaking biyaya sa inyo na
matamasa ang yugtong ito ng gawain ng Diyos.
Pagwawasto ng Diyos ay para din iligtas ka.
Kahit maaari itong magdulot ng pasakit,
‘pag disposisyon mo’y nababago,
makikita mong Kanyang gawain ay matalino.
Sa araw na ‘yon mauunawaan mo’ng kalooban Niya.
‘Di mo man ito makita ngayon,
balang araw makikita mo’ng
gawain ng Diyos ngayon ay mahalaga.
Hinahatulan at sinusumpa ng Diyos ang tao.
Ngunit sa alinman dito’y pineperpekto Niya’ng tao.
Kailangan Niyang maghatol at magsumpa.
Kanyang pineperpekto
kung ano ang marumi sa tao.
‘Pag nakikita mong kaluwalhatian
ng Diyos ay dumating na,
at nakikitang makabuluhang mahalin Siya,
malalaman mo ang buhay ng tao,
espiritu mo ay lalaya,
laman mo’y mamumuhay
sa mundo ng pagmamahal sa Diyos,
buhay mo’y mapupuno ng galak,
lagi kang napakalapit sa Diyos,
at aasa ka sa Diyos,
sa gayon malalaman mo’ng tunay na halaga
ng gawain ng Diyos ngayon.
Bawat hakbang ng gawain ng Diyos,
masasakit man na salita,
paghatol o pagkastigo,
ay tama at nagpeperpekto sa tao.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos