900 Inililigtas ng Diyos ang Tao sa Kasukdulan
1 Sa pagkakataong ito, naparito ang Diyos para gumawa hindi upang hampasin ang mga tao, kundi upang iligtas sila sa pinakamalawak na paraang posible. Sino ang lubos na walang pagkakamali? Kung pinabagsak ang lahat ng tao, paano ito magiging “pagliligtas”? Ang ilang paglabag ay ginagawa nang sadya samantalang ang iba ay ginagawa nang hindi sinasadya. Kung kaya mong magbago pagkatapos mong malaman ang mga paglabag na ginagawa mo nang hindi sinasadya, pababagsakin ka ba ng Diyos bago ka nagbago? Maililigtas ba ng Diyos ang mga tao sa ganyang paraan? Lumalabag ka man nang hindi mo sinasadya o dahil sa suwail na kalikasan, kailangan mong tandaan na, sa sandaling ginawa ang paglabag, kailangan mong magmadaling gumising sa realidad, at sumulong; anumang sitwasyon ang dumating, kailangan mong sumulong.
2 Ang gawaing ginagawa ng Diyos ay ang pagliligtas, at hindi Niya basta-basta pababagsakin ang mga taong nais Niyang iligtas. Kahit na sa anong antas mo kayang magbago, kahit pa pabagsakin ka ng Diyos sa huli, tiyak na matuwid para sa Kanya na gawin iyon; at pagdating ng panahon, ipauunawa Niya ito sa iyo. Sa ngayon, dapat mong atupagin ang paghahangad na matamo ang katotohanan, pagtutuon sa pagpasok sa buhay, at paghahangad na tuparin nang maayos ang iyong tungkulin. Walang pagkakamali rito! Sa huli, paano ka man pakitunguhan ng Diyos, palagi itong matuwid; hindi ka dapat magduda rito at hindi mo kailangang mag-alala. Kahit na hindi mo nauunawaan ang pagiging matuwid ng Diyos sa ngayon, darating ang araw na ikaw ay makukumbinsi.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi