443 Ang Pakikipag-ugnayan sa Ibang Tao ay Dapat Maitatag Ayon sa mga Salita ng Diyos
Ⅰ
Kung nais mo’y wastong ugnayan sa Diyos,
dapat mong ibaling ang ‘yong puso sa Kanya,
at ang ugnayan mo sa iba’y magiging ayon sa nararapat.
Kung walang wastong ugnayan sa Diyos,
anuman ang gawin mo
para manatili ang ugnayan mo sa iba,
‘to ang pilosopiya ng tao sa pamumuhay.
Pinapanatili mo’ng ‘yong katayuan,
gamit lamang ang pananaw at pilosopiya ng tao,
upang ikaw ay purihin ng iba.
‘Di ka bumubuo ng mga ugnayan batay sa salita ng Diyos.
Kung ‘di ka nakatuon sa mga ugnayan sa tao,
kundi sa ‘yong wastong ugnayan sa Diyos,
kung payag kang sumunod,
kung puso’y kayang ibigay sa Diyos,
magiging wasto ang ugnayan mo
sa mga tao sa iyong buhay.
Ⅱ
Mga ugnayan ay ‘di nabubuo batay sa laman,
kundi sa saligan ng pag-ibig ng Diyos
kung sa’n tunay ‘to’ng nakasalalay.
Sa espiritu’y may pagbabahagi,
pag-ibig, ginhawa’t probisyon.
Lahat ay nagagawa batay sa
pagkamit ng katuparan ng puso ng Diyos.
Mga ugnayan na ‘to’y ‘di pinapanatili
ng pilosopiya para sa pamumuhay,
kundi sa pasanin para sa Diyos,
nabubuo sila nang likas.
‘Di ‘to kailangan ng sikap ng tao,
isagawa lang sa salita ng Diyos.
Kung ‘di ka nakatuon sa mga ugnayan sa tao,
kundi sa ‘yong wastong ugnayan sa Diyos,
kung payag kang sumunod,
kung puso’y kayang ibigay sa Diyos,
magiging wasto ang ugnayan mo
sa mga tao sa iyong buhay,
sa mga tao sa iyong buhay,
sa mga tao sa iyong buhay.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Napakahalagang Magtatag ng Isang Normal na Kaugnayan sa Diyos