444 Mayroon Ka Bang Normal na Relasyon sa Diyos?

Kung nais mong maperpekto,

tumahak sa tamang landas ng buhay,

ituon sa Diyos ang puso mo,

wag mong sundan si Satanas.

Wag pagamit kay Satanas o magpaimpluwensya.

Sarili ay ilaan sa Diyos, nang Siya ang mamahala.

Isip, salita at gawa mo’y suriin,

tunay mong kalagayan ay unawain,

gawain ng Espiritu’y taglayin,

nang maging normal relasyon mo sa Diyos.


Nais mo bang si Satanas, gamitin ka’t alipinin?

Nais mo bang maperpekto ng Diyos

o hambingan sa Kanyang gawain?

Nais mo bang matamo ng Diyos

mabuhay nang makabuluhan?

O nais mo lang mabuhay nang may kahungkagan?

Isip, salita at gawa mo’y suriin,

tunay mong kalagayan ay unawain,

gawain ng Espiritu’y taglayin,

nang maging normal relasyon mo sa Diyos.


Pagagamit ka ba sa Diyos o kaya’y kay Satanas?

Mapuspos ng Kanyang salita o ng sala at ni Satanas?

Ingatan salita mo’t gawa nang relasyon mo sa Diyos

maging normal, pumasok ka sa mga tamang sitwasyon.

Isip, salita at gawa mo’y suriin,

tunay mong kalagayan ay unawain,

gawain ng Espiritu’y taglayin,

nang maging normal relasyon mo sa Diyos.


Timbangin kung relasyon mo sa Diyos mabuti’t wasto,

ituwid mga layon mo, alamin kalikasan ng tao.

Para sarili ay makilala, magkaro’n ng karanasan.

Sarili mo ay tatalikdan at pasasakop ka.

‘Pag naranasan mo kung sa Diyos

normal ang relasyon mo,

pagkakataong maperpekto’y pasasaiyo.

Sitwasyo’y mauunawaan mong

Banal na Espiritu’y gumagawa.

Makikita mo panloloko ni Satanas.

Ganyan ang maging perpekto.

Isip, salita at gawa mo’y suriin,

tunay mong kalagayan ay unawain,

gawain ng Espiritu’y taglayin,

nang maging normal relasyon mo sa Diyos.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kumusta ang Kaugnayan Mo sa Diyos?

Sinundan: 443 Ang Pakikipag-ugnayan sa Ibang Tao ay Dapat Maitatag Ayon sa mga Salita ng Diyos

Sumunod: 445 Ang Kawangis ng mga Ginagamit ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito