30 Pasasalamat at Papuri sa Makapangyarihang Diyos
I
Dinala tayo sa harap ng Diyos.
Kinakai’t iniinom natin mga salita N’ya.
Nililiwanag ng Banal na Espiritu,
nauunawaan natin
ang katotohanang winiwika ng Diyos.
Mga ritwal ng relihiyon,
naiwawaksi natin, lahat ng yaong mga tanikala.
‘Di gapos ng tuntunin, pinalaya puso natin.
At napakasaya natin,
nabubuhay sa liwanag ng Diyos.
Napakasaya, nabubuhay sa liwanag ng Diyos.
Pasasalamat at papuri sa Makapangyarihang Diyos,
na naghahayag ng katotohanan
sa buong sangkatauhan.
Pasasalamat at papuri sa Makapangyarihang Diyos,
may paraan tayo upang magbago,
at natatapos malabo nating pananampalataya.
Umaawit tayo ng papuri, o~
II
Sinusunod nating mabuti ang Diyos,
pagsasanay ng kaharian ating tinatanggap.
Ang paghatol ng Diyos ay tulad ng espada,
sa mga iniisip natin ay naghahantad.
Kayabangan, pagka-makasarili,
at pagkukunwari ay hindi naitatago.
Tsaka ko lang nakikita ang totoo.
Napahiya ako’y nagpapatirapa sa Diyos.
Pasasalamat at papuri sa Makapangyarihang Diyos,
na naghahayag ng katotohanan
sa buong sangkatauhan.
Pasasalamat at papuri sa Makapangyarihang Diyos,
tayo’y harapan sa Diyos,
sa galak N’ya tayo ay nagagalak.
Pasasalamat at papuri sa Makapangyarihang Diyos.
Ikaw ay banal, Ikaw ay matuwid, o~
Ang hangad ko’y isagawa ang katotohanan
talikdan ang laman, upang isilang muli,
aliwin ang ‘Yong puso.
Pasasalamat at papuri sa Makapangyarihang Diyos,
Totoong nakapagliligtas sa akin ‘Yong paghatol.
Pasasalamat at papuri sa Makapangyarihang Diyos,
disposisyon ko’y nagbabago.
Dahil sa Iyo, ako’y pinagpala, o ako’y pinagpala.