31 Ang Lahat ng Tao ng Diyos ay Pinupuri Siya Nang Lubos

Tayo ay nadala na sa harap ng Diyos.

Sumasali tayo sa masaganang piging, sobrang saya.

Tinatamasa natin ang mga salita ng Diyos at nauunawaan ang katotohanan,

ang ating mga espiritu ay napalaya.

Ang mga puso nati’y punong-puno ng pasasalamat at pagpupuri.

Hindi natin mapigilang umawit.

Ang galak sa ating mga puso’y imposibleng maipahayag.

Magpuri’t lumundag sa galak. Karapat-dapat ang Diyos sa karangalan at luwalhati.

Ang kalooban ng Diyos ay isinagawa sa lupa.

Ang lahat ng tao ng Diyos ay pinupuri Siya nang lubos.


Tinatamasa natin ang mga salita ng Diyos araw-araw.

Isinasagawa natin ang mga salita ng Diyos, pumapasok tayo sa realidad.

Tayo’y sumasailalim sa paghatol at pagpapadalisay,

at isinasabuhay natin ang wangis ng bagong pagkatao.

Ang Makapangyarihang Diyos ay iniligtas tayo sa katiwalian ni Satanas.

Tayo ngayo’y tunay nang nabago.

Ang lahat ng ito’y kaligtasan at biyaya ng Diyos!

Magpuri’t lumundag sa galak. Karapat-dapat ang Diyos sa karangalan at luwalhati.

Ang kalooban ng Diyos ay isinagawa sa lupa.

Ang lahat ng tao ng Diyos ay pinupuri Siya nang lubos.


Ang Makapangyarihang Diyos ay tinalo si Satanas,

ang isang grupo ng tao’y ginawang mananagumpay,

ginawang perpekto ng mga pagsubok at pagdurusa.

Sila ang mga mananagumpay sa harap ni Satanas!

Naibunyag ang matuwid na disposisyon ng Diyos.

Ang lahat ng lumalaban sa Diyos ay mamamatay.

Ang Makapangyarihang Diyos ay napabagsak si Satanas!

Magpuri’t lumundag sa galak. Karapat-dapat ang Diyos sa karangalan at luwalhati.

Ang kalooban ng Diyos ay isinagawa sa lupa.

Ang lahat ng tao ng Diyos ay pinupuri Siya nang lubos.

IV

Silang naghahanap ng katotohanan ay nakakamit ang kaligtasan ng Diyos.

Silang may tunay na pananampalataya sa Diyos ay natatanggap ang Kanyang biyaya.

Pinupuri natin ang matuwid na disposisyon ng Diyos!

Abot langit ang ating mga awit ng papuri!

Tunay na mapaghimala ang gawain ng Makapangyarihang Diyos.

Lahat ay isinasakatuparan ng mga salita ng Diyos.

Ang lahat ng tao’y nagbabalik sa Diyos,

pinupuri ang natupad nang dakilang gawain ng Diyos.

Magpuri’t lumundag sa galak. Karapat-dapat ang Diyos sa karangalan at luwalhati.

Ang kalooban ng Diyos ay isinagawa sa lupa.

Ang lahat ng tao ng Diyos ay pinupuri Siya nang lubos.

Sinundan: 30 Pasasalamat at Papuri sa Makapangyarihang Diyos

Sumunod: 32 Sinasamba Ka Namin, Makapangyarihang Diyos na Nagkatawang-Tao

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messnger