29 Ang Kaharian ni Cristo ay Naganap Na

Si Cristo ng mga huling araw ay nangungusap ng mga salita,

ang mga lihim ng kaharian ay nasabi.

Naririnig nating lahat ang tinig ng Diyos

at naitaas tayo sa harap ng Kanyang trono.

Tinatamasa nating madiligan.

Dumadalo tayo sa piging ng kasal ni Cristo,

tinatamasa ang pag-aaruga mula sa mga salita ng Diyos.

Ngumingiti nang may kagalakan ang lahat ng tao ng Diyos.

Narito ang buhay na tubig, mayamang mana.

Nilalasap natin ang mga salita ng buhay ng Diyos.

Ang Diyos ay nagpakita na ngayon upang gumawa,

tinutupad ang pangarap ng tao na milenyo.

O, ang kaharian ni Cristo,

ang lupain ng pulot at ng gatas.

O, ang kaharian ni Cristo,

ang lupain ng kagalakan at kaligayahan lamang.

O, ang kaharian ni Cristo,

ang lupain ng pulot at ng gatas.

O, ang kaharian ni Cristo,

ang lupain ng kagalakan at kaligayahan lamang.


Ang Makapangyarihang Diyos ay nagsasabi ng katotohanan,

sa Kapanahunan ng Kaharian tayo’y inaakay.

Ang Kanyang iglesia ay ang kaharian ni Cristo,

may kapangyarihan ang Diyos sa lupa.

Ang mga nagmamahal sa katotohanan ay naririnig ang tinig ng Diyos,

nakikita nila ang Kanyang mukha, bumabaling sa Kanya.

At bawat isa

sa mga tao ng Diyos ay masaya.

Ang mga santo ng nakaraan ay nabubuhay muli sa mga huling araw.

Isang mapagpalang Diyos ang kanilang nakikilala.

Tinatamasa ang buhay sa kaharian,

ang mga tao ng Diyos ay taimtim na umaawit.

O, ang kaharian ni Cristo,

narito ang tabernakulo ng Diyos.

O, ang kaharian ni Cristo,

naging tunay ang Kanyang mga pangako.

O, ang kaharian ni Cristo,

narito ang tabernakulo ng Diyos.

O, ang kaharian ni Cristo,

naging tunay ang Kanyang mga pangako.


Napaalis ang mga puwersa ng dilim,

dahil ang mga salita ng Diyos ang tunay na liwanag.

Hinahatulan ng Diyos ang tao gamit ang Kanyang mga salita,

ang mga bansa at tao ay nagpapasailalim.

Ang lahat ng mga tao ng Diyos ay nalinis.

Pinupuri natin ang banal na pangalan ng Diyos.

Nagagalak tayong nagtitipon,

nagdiriwang ang sanlibutan.

Itinakwil ng mga tao ng Diyos si Satanas,

at namumuhay tayo sa harap ng Diyos.

Ang pagiging kasama ng Diyos

ay nagpapaligaya at nagpapasaya sa atin.

Sinisira ng matitinding sakuna

ang kaharian ni Satanas,

at doon sa lupa ay nagpakita

ang makatarungan at matuwid na kaharian.

O, purihin ang Makapangyarihang Diyos,

nakamit na Niya ang Kanyang kaharian, dumating na Siya.

O, purihin ang Makapangyarihang Diyos,

ang kalooban ng Diyos ay nagawa na.

O, purihin ang Makapangyarihang Diyos,

nakamit na Niya ang Kanyang kaharian, dumating na Siya.

O, purihin ang Makapangyarihang Diyos,

ang kalooban ng Diyos ay nagawa na.

Sinundan: 28 Tayo ay Nagtitipon sa Galak Upang Purihin ang Diyos

Sumunod: 30 Pasasalamat at Papuri sa Makapangyarihang Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito