42 Purihin ang Pagkabuo ng Dakilang Gawain ng Diyos

Sa mga huling araw, hinahatulan ng salita ni Cristo ang lahat ng sangkatauhan;

nagsimula na ang Kapanahunan ng Kaharian.

Ang lahat ng bagay ay nabago na ngayon

sa pamamagitan ng mga salitang sinasabi ng Diyos.

Ang lahat ng bagay ay ginawang maganda at bago;

ang lahat ay muling nabuhay, naibalik at nabago.

Pinupuri natin ang Diyos habang nagsasaya tayo.

Nabubuhayan ang kalangitan sa ating mga kanta at mga tinig.

O, purihin Siya! O, ipagsigawan ito at kantahin! O!

Ang lahat ng mga tao ng Diyos ay nag-uumapaw sa papuri sa Diyos. O!


Ang paghatol ay nagsimula na sa Sambahayan ng Diyos,

ibinubunyag ang Kanyang pagiging matuwid.

Yumuyukod ang mga tao ng Diyos sa harap Niya,

nadalisay ng Kanyang paghatol.

O, sa gabay ng Kanyang mga salita, maaari tayong dumaan sa mga pagsubok.

At ikinatutuwa Niya ang ating pagpapatotoo sa Kanya.

Pinarangalan ng atas ng Diyos,

ipinapahayag at pinapatotohanan natin ang Kanyang mga gawa.

O, purihin Siya! O, ipagsigawan ito at kantahin! O!

Ang lahat ng mga tao ng Diyos ay nag-uumapaw sa papuri sa Diyos. O!


Ang mga salita ng Diyos ay makapangyarihan sa lahat at marunong,

mahirap ang mga itong maarok at napaniwala tayo.

Ang mga salita ng Diyos ay isinasakatuparan ang lahat ng bagay,

pinagsasama ng mga ito ang mga tao ayon sa kanilang uri.

Ang mga nagmamahal sa Diyos ay sumusunod sa Kanya, ngunit ang mga lumalaban ay winawasak.

Pinupuri natin ang Kanyang karunungan at pagiging makapangyarihan sa lahat,

matuwid Siya sa lahat ng bagay.

Napakakaibig-ibig ng Kanyang disposisyon, tayo’y nagpupuri.

O, purihin Siya! O, ipagsigawan ito at kantahin! O!

Ang lahat ng mga tao ng Diyos ay nag-uumapaw sa papuri sa Diyos. O!


Purihin ang pagkabuo ng gawain ng Diyos,

nakagawa na siya ng isang grupo ng mga mananagumpay.

Tinatanggap ng mga hinirang ng Diyos ang Kanyang pagmamasid,

bawat isa ay ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Sinisikap nila sa abot ng kanilang makakaya na tuparin ang kalooban ng Diyos;

ang lahat ng nagmamahal sa Kanya ay nagiging perpekto.

Ang buong mundo ay punong-puno

ng Kanyang pagiging matuwid at kabanalan.

Totoong banal ang Kanyang kaharian.

Hindi matatapos kailanman ang ating mga awit ng papuri!

O, purihin Siya! Magsaya at kumanta! O!

Hindi matatapos ang ating mga awit ng papuri kailanman, o,

oo, hindi matatapos kailanman.

Sinundan: 41 Ang Papuri para sa Makapangyarihang Diyos ay Hindi Kailanman Magtatapos

Sumunod: 43 Purihin ang Pagbabalik ng Diyos sa Sion

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

281 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa’ng naglalakbay,sinusuri’ng bukas, hinahanap nakalipas,masipag na nagsisikap,naghahangad ng isang pangarap.‘Di...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito