497 Ang Pagsasagawa ng Katotohanan ay Nangangailangan ng Tunay na Kabayaran
Ⅰ
Kung mahihirapan ka, ika’y magdasal:
“O Diyos! Nais Kitang bigyang kasiyahan,
paghihirap tinitiis, para Ika’y masiyahan,
gaano man kalaki haraping balakid.
Kahit pa ibuwis aking buhay,
bibigyan pa rin Kita ng kasiyahan.”
Sa ganitong panata, ‘pag nagdarasal ka,
paninindigan mo ang patotoo mo.
Sa tuwing isinasagawa ang katotohanan,
bawat kadalisayan, bawat sandaling sila’y sinusubukan,
sa tuwing nasa kanila ang gawain ng Diyos,
tinitiis ng mga tao ang matinding sakit.
Pagsubok ito, digmaan sa kalooban,
ang tunay na halaga na dapat bayaran.
Ⅱ
Kung may nais kang sabihin, ngunit
nadarama mong hindi ito tama sa iyong kalooban,
kung ‘di yun makakabuti sa mga kapatid mo,
kung masasaktan sila, ‘wag mo na lang sabihin,
pinipiling masaktan at maghirap ang kalooban,
‘pagkat ang mga salitang ito’y
‘di magbibigay kasiyahan sa Diyos.
Sa tuwing isinasagawa ang katotohanan,
bawat kadalisayan, bawat sandaling sila’y sinusubukan,
sa tuwing nasa kanila ang gawain ng Diyos,
tinitiis ng mga tao ang matinding sakit.
Pagsubok ito, digmaan sa kalooban,
ang tunay na halaga na dapat bayaran.
Ⅲ
Tumitindi digmaan sa kalooban,
ngunit handa kang harapin ang sakit,
para isuko ang iyong iniibig,
hirap titiisin mabigyang kasiyahan lamang ang Diyos,
nagtitiis ngunit ‘di nagpapadala sa laman,
binibigyang kasiyahan ang puso ng Diyos,
kaya bibigyan ka rin ng kasiyahan.
Ito ang kabayarang nais ng Diyos.
Sa tuwing isinasagawa ang katotohanan,
bawat kadalisayan, bawat sandaling sila’y sinusubukan,
sa tuwing nasa kanila ang gawain ng Diyos,
tinitiis ng mga tao ang matinding sakit.
Pagsubok ito, digmaan sa kalooban,
ang tunay na halaga na dapat bayaran,
ang tunay na halaga na dapat bayaran.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos