917 Lahat ng Bagay ay Nabubuhay at Namamatay Ayon sa Awtoridad ng Diyos
Ⅰ
“Ang awtoridad ng Diyos”
ay nangangahulugang ito ay nasa Diyos.
Karapatan ng Diyos na magpasya
kung pa’no gagawin ang isang bagay,
at ito’y ginagawa sa anumang paraang nais Niya.
Ang Diyos ang nagpapasiya ng batas ng lahat ng bagay.
Ang batas na ito’y hindi sa nasa tao
at ito’y hindi mababago ng tao.
Hindi magagalaw ng kalooban ng tao,
kundi binabago ito ng mga saloobin ng Diyos,
karununga’t mga tagubilin.
Ito’y isang katunayang ‘di maikakaila sa sinuman.
Walang tao, walang bagay na maaaring magbago
ng mga batas ng lahat ng bagay
o ang direksyon kung sa’n sila gumagana.
Sila’y nabuhay sa pamamagitan ng awtoridad ng Diyos,
at namatay dahil sa gayon din.
Ito mismo ang awtoridad ng Diyos.
Ⅱ
Ang kalangitan, lupa at lahat ng bagay,
ang sansinukob, ang maningning na langit,
ang apat na panahon ng taon,
mga bagay na ‘di nakikita, bagay na malinaw,
lahat sila’y buhay, lahat ay gumagana’t nagbabago,
nang walang kaunting kamalian, sa awtoridad ng Diyos,
ayon sa Kanyang mga tagubilin at kautusan rin ng Diyos,
sa lahat ng Kanyang mga batas sa simula ng paglikha.
Ito’y isang katunayang ‘di maikakaila sa sinuman.
Walang tao, walang bagay na maaaring magbago
ng mga batas ng lahat ng bagay
o ang direksyon kung sa’n sila gumagana.
Sila’y nabuhay sa pamamagitan ng awtoridad ng Diyos,
at namatay dahil sa gayon din.
Ito mismo ang awtoridad ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I