177 Pagtataya ng Aking Buhay Upang Magpatotoo para sa Diyos
1 Sa Tsina, ang kuta ng mga demonyo, kung saan may kapangyarihan si Satanas, ay hindi mahahagilap saanman ang mga karapatang pantao. Habang ipinapalaganap ang ebanghelyo at pinatotohanan ang mga salita ng Diyos, dinakip ako ng CCP. Ang malulupit at masasamang pulis, gamit ang mga pamamaraan na parehong mahirap at madali, ay pinilit akong pagtaksilan ang Diyos. Niluray ng malupit na pagpapahirap at marahas na pambubugbog ang aking katawan. Naninimbangan sa pagitan ng buhay at kamatayan, isang mahirap na pagpili: ang manatiling tapat, o magkompromiso? Mahina ang aking isip; nagmakaawa ako para sa pangangalaga ng Diyos, na bigyan Niya ako ng pananampalataya.
2 Naliwanagan ng mga salita ng Diyos, sa kaibuturan ay naunawaan ko: Nasa mga kamay ng Diyos ang buhay at kamatayan. Bilang nilalang ng Diyos na nagtatamasa ng Kanyang pag-ibig, dapat akong maging tapat sa Kanya. Ang pag-iingat sa aking sariling laman ay pagiging makasarili at kawalang-karangalan, at gagawin akong isang kahiya-hiyang Judas. Kung susuko ako kay Satanas upang iligtas ang aking buhay, tiyak na paparusahan ako ng Diyos. Sa pagdurusa para sa pagiging matuwid, wala akong mga daing; hiling ko lamang ay maluwalhati ang Diyos. Tutularan ko si Pedro, magpapasakop hanggang kamatayan, at magbibigay ng mataginting na patotoo.
3 Napakarunong ng Diyos; nilikha Niya ang kapaligirang ito upang ako ay subukan at gawin perpekto. Ang mga salita ng Diyos ay nagpapatibay sa tunay na pananampalataya, at wala akong takot sa kamatayan. Nagpasya akong ibigin ang Diyos nang walang pagdaing o pagsisisi, hindi matitinag ang aking puso. Inaalay ko ang aking buhay, nagpapasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos, at inuuna ang Kanyang kaluguran. Mahaba ang landas patungo sa kaharian ng langit, mapanganib ang bawat hakbang, ngunit itinataya ko ang aking buhay sa pagsunod sa Diyos. Magdadala ako ng kahihiyan kay Satanas, luluwalhatiin ang Diyos, at hindi mamumuhay ng walang kabuluhan.