178 Sa Aming Paghihiwalay
1 Nagtitipun-tipon ang mga kapatid, masayang-masayang magbahagian ng mga salita ng Diyos. Ngunit ang pag-uusig ng CCP ay nangangahulugang ang aming kongregasyon ay palaging nanganganib na mahuli. Maingat kaming sumasayaw at umaawit, natatakot na matuklasan. Nais naming magkasama ng ilan pang araw at sabihin ang nasa puso namin, ngunit wala kaming pagkakataon. Kapag naghihiwalay kami, hindi namin alam kung magkakaroon pa kami ng pagkakataong makita ulit ang bawat isa. Mga kapatid, kapag tayo ay tumutupad sa ating mga tungkulin, higit pang manalangin, tumingala sa Diyos at higit pang magtiwala sa Kanya. Gaano man kahirap ang landas, kasama ang Diyos sa ating tabi, hindi tayo nag-iisa. Dumaranas tayo ng pang-aapi, paghihirap, at pagpipino; napakahalagang bagay na kasama natin ang Diyos.
2 Sa masamang mundong ito, ang pagpapatotoo para sa Diyos ay puno ng mga pagkabigo at pagdurusa. Kasama natin ang mga salita ng Diyos, at mayroon tayong kalakasan sa ating pagkaunawa ng katotohanan. Nakita na natin nang malinaw ang masamang diwa ni Satanas, at kinamumuhian natin ang malaking pulang dragon hanggang sa kaibuturan nito. Ganap na talikdan si Satanas upang tunay tayong umibig at magpasakop sa Diyos. Magtiwala sa Diyos upang malampasan ang mga puwersa ng kadiliman; nakikita na ng mga mata natin ang pagbubukang-liwayway. Minamahal natin ang bawat isa at nananalangin tayo para sa bawat isa, at ang ating mga puso ay payapa. Inaasam nating magsama-samang muli kapag naging ganap na ang kaharian—magkakasama tayong mamumuhay magpakailanman. Inaasam nating magsama-samang muli kapag naging ganap na ang kaharian—magkakasama tayong mamumuhay magpakailanman.