103 Ang Gawain ng Pamamahala sa Tao ay ang Gawain ng Pagtalo kay Satanas
I
Ang lahat ng gawain ng Diyos ay para talunin si Satanas. Lahat ng Kanyang gawain—maging ito man ay pagkastigo o paghatol—ay nakatutok kay Satanas; ito ay isinasakatuparan para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Lahat ng ito ay upang talunin si Satanas; at ito ay may isang layunin: ang makipagdigma kay Satanas hanggang sa katapusan! Ang Diyos ay hindi kailanman magpapahinga hangga't hindi Siya nagwawagi kay Satanas! Siya ay magpapahinga lamang sa sandaling natalo na Niya si Satanas.
II
Sapagkat ang lahat ng gawain na ginagawa ng Diyos ay nakatutok kay Satanas, at dahil yaong mga nagawang tiwali ni Satanas ay nasa ilalim lahat ng kontrol ng kapangyarihan ni Satanas, at namumuhay lahat sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, nang hindi nakikipaglaban at humihiwalay kay Satanas, hindi luluwagan ni Satanas ang pagkakahawak sa mga taong ito, at hindi sila makakamit. Kung hindi sila nakamit, patutunayan nito na si Satanas ay hindi pa natatalo, na ito ay hindi pa nadadaig. Sa 6,000-taong plano ng pamamahala ng Diyos, noong unang yugto ginawa Niya ang gawain ng kautusan. Noong ikalawang yugto ginawa Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, iyon ay, ang gawain ng pagpapapako sa krus, at sa panahon ng ikatlong yugto ginagawa Niya ang gawain ng panlulupig sa sangkatauhan. Ang lahat ng gawaing ito ay nakatutok sa lawak ng pagtitiwali ni Satanas sa sangkatauhan, ang lahat ng ito ay upang talunin si Satanas, at bawat isa sa mga yugto ay alang-alang sa paggapi kay Satanas.
III
Ang diwa ng 6,000-taong gawain ng pamamahala ng Diyos ay ang digmaan laban sa malaking pulang dragon, at ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay ang gawain din ng pagtalo kay Satanas, ang gawain ng pakikipagdigma kay Satanas. Nakipaglaban ang Diyos sa loob ng 6,000 taon, at sa gayon ay gumawa sa loob ng 6,000 taon upang sa kahuli-hulihan ay dalhin ang tao tungo sa bagong mundo. Kapag si Satanas ay natalo, ang tao ay ganap nang mapapalaya. Ang bawat yugto ng gawain ay isinasakatuparan alinsunod sa mga aktuwal na pangangailangan at hinihingi ng tao; bawat yugto ng gawain ay alang-alang sa paggapi kay Satanas.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan