118 Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit
Sabi ng Panginoon, Magsisi,
dahil malapit na ang kaharian ng langit.
Narito na ang Diyos sa mga huling araw,
narito sa atin ang kaharian.
Oo, ang kaharian ng langit,
lumitaw na ang kaharian ni Cristo sa lupa.
Ⅰ
Dinidinig ng matatalinong dalaga ang tinig ng Diyos
at humaharap sa Kanyang luklukan.
Tayo’y nagbabasa ng salita ng Diyos,
tumatanggap ng katotohanan,
dumadalo sa piging ng Cordero.
Paghatol, mga paghahayag ng salita ng Diyos
ipinapakita ang aking likas na pagkatao.
Manloloko’t di-makatao,
hindi ako akmang mabuhay sa Kanyang harapan.
Paghatol ni Cristo, nililinis ang katiwalian ko.
Hinahantad puso ko sa Diyos at walang balakid.
Mahal ko ang Diyos, maayos ako sa tungkulin ko,
tanggap ko pagsusuri ng Diyos.
Nananampalataya para lang katotohana’y matamo
at mabuhay bilang tao.
Ang matatapat na taong mahal ang Diyos,
ay mga tao ng kaharian ng langit.
Kaharian ni Cristo’y langit, tahanan ng matapat na tao.
Mamahalin ko ang Diyos magpakailanman!
Ⅱ
Planong matamo ang sarili kong pagpapala
ay masama’t kawalanghiyaan.
Matapat ang taong matuwid at kagalang-galang.
Lahat ibibigay nila, gagamitin ang sarili para sa Diyos,
para pagmamahal Niya’y gantihan.
Matatapat na tao’y nagsisising tunay
at ipinamumuhay ang katotohanan.
Nabubuhay para gawin lamang ang kalooban ng Diyos,
walang reklamo’t panghihinayang,
natututo silang matakot sa Diyos,
layuan ang kasamaan at mamuhay sa harap ng Diyos.
Kaya sa lahat ng pag-uusig, paghihirap, at pagsubok,
nagpapatotoo pa rin sila upang luwalhatiin Siya.
Ang matatapat na taong mahal ang Diyos,
ay mga tao ng kaharian ng langit.
Kaharian ni Cristo’y langit, tahanan ng matapat na tao.
Mamahalin ko ang Diyos magpakailanman!