117 Ang Mga Taos-pusong Nagmamahal sa Diyos Lamang ang Matatapat na Tao

Dalisay at tapat, tulad ng isang inosenteng bata,

maliwanag at puno ng kasiglahan ng kabataan,

ang tanging mahal nila ay ang Diyos, hindi nabubuhay para sa laman,

tila mga anghel na nagtungo sa mundo.

Walang panlilinlang, bukas lang ang puso, sila ay may dignidad.

Ibinibigay nila ang kanilang puso sa Diyos at nakakamit ang Kanyang tiwala.

Sila ang matatapat na tao na mahal ng Diyos.

Dahil hinahayaan nating gabayan tayo ng mga salita ng Diyos araw-araw,

tayo ay pinagpala at pinamumunuan ng Banal na Espiritu.

Tinatanggap natin ang pagsisiyasat ng Diyos, namumuhay sa harap Niya.

Ang mahalin ang Diyos nang tunay ay ang maging maligaya.

Natatamo ng matatapat na tao ang pagliligtas ng Diyos at nakakapasok sila sa kaharian,

sila ay mamumuhay kasama ng Diyos magpakailanman.

Ang kaharian ni Cristo ay langit para sa matatapat na tao,

at ito ang kanilang magandang tahanan.


Ang mga taong nagmamahal sa katotohanan ay may matatapat na puso lahat

at tiyak na sila ay pagpapalain ng Diyos.

Nagagalak tayo sa pagsasagawa ng katotohanan.

Sa pagsunod sa Diyos, payapa ang ating mga puso.

Natatakot tayo sa Diyos at lumalayo sa kasamaan, namumuhay sa mga salita ng Diyos.

Dahil namumuhay sa mga salita ng Diyos, tayo ay napalaya na.

Ang mahalin ang Diyos ay ang maging ganap na maligaya.

Dahil hinahayaan nating gabayan tayo ng mga salita ng Diyos araw-araw,

tayo ay pinagpala at pinamumunuan ng Banal na Espiritu.

Tinatanggap natin ang pagsisiyasat ng Diyos, namumuhay sa harap Niya.

Ang mahalin ang Diyos nang tunay ay ang maging maligaya.

Natatamo ng matatapat na tao ang pagliligtas ng Diyos at nakakapasok sila sa kaharian,

sila ay mamumuhay kasama ng Diyos magpakailanman.

Ang kaharian ni Cristo ay langit para sa matatapat na tao,

at ito ang kanilang magandang tahanan.

Nilinis ako ng paghatol at pagkastigo ng Diyos,

ako ay naging tapat na tao na nagpapasaya sa Diyos.

Ginugugol ko ang sarili ko para sa Diyos at wala akong hinihinging kapalit,

isinasaalang-alang ko ang kalooban ng Diyos nang may puso at kaluluwa.

Ang pagmamahal sa Diyos ay nagdadala ng kaluwagan at kasiyahan.

Madali tayong nabubuhay kapag kumikilos tayo ayon sa mga salita ng Diyos.

Tanging ang Diyos at ang katotohanan ang nasa puso natin.

Ang mga salita ng Diyos ang naging buong buhay natin.

Dahil hinahayaan nating gabayan tayo ng mga salita ng Diyos araw-araw,

tayo ay pinagpala at pinamumunuan ng Banal na Espiritu.

Tinatanggap natin ang pagsisiyasat ng Diyos, namumuhay sa harap Niya.

Ang mahalin ang Diyos nang tunay ay ang maging maligaya.

Natatamo ng matatapat na tao ang pagliligtas ng Diyos at nakakapasok sila sa kaharian,

sila ay mamumuhay kasama ng Diyos magpakailanman.

Ang kaharian ni Cristo ay langit para sa matatapat na tao,

at ito ang kanilang magandang tahanan.

Sinundan: 116 Ang mga Tapat na Tao Lamang ang Mayroong Pagkahawig sa Tao

Sumunod: 118 Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito