119 Napakagalak na Maging Taong Tapat
1 Ang pag-unawa sa katotohana’y nagpapalaya sa aking espiritu’t nagbibigay saya sa akin. Ako’y puno ng pananampalataya sa salita ng Diyos at walang kinikimkim na mga alinlangan. Wala akong pagiging negatibo, hindi ako umuurong, at hindi nawawalan ng pag-asa kailanman. Matapat kong ginagampanan ang aking tungkulin at hindi ako kontrolado ng laman. Bagama’t mababa ang aking kakayahan, ako’y may pusong tapat. Ako’y kumikilos ayon sa prinsipyo sa lahat ng bagay at binibigyang-kasiyahan ang kalooban ng Diyos. Isinasagawa ko ang katotohanan, nagpapasakop sa Diyos, at nagsisikap na maging taong tapat. Ako’y bukas at matuwid, walang panlilinlang, namumuhay sa liwanag. Matatapat na tao, halikayo madali, mag-usap tayo, puso sa puso. Lahat ng mga taong umiibig sa Diyos, halikayo’t magsama-sama bilang mabubuting magkaibigan. Lahat ng mga taong umiibig sa katotohana’y magkakapatid. O maliligayang tao, halikayo umawit at umindak sa papuri sa Diyos.
2 Ang pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos at pagbabahagi sa katotohanan ay nagpapasaya sa akin. Ang madalas na pagdarasal at pakikipagniig sa Diyos ay nagdadala sa akin ng walang katulad na kasiyahan. Ang pag-unawa sa katotohanan ay nagbigay sa akin ng isang landas para sa pagsasagawa, at hindi na ako napipigilan. Ang pagtanggal sa lahat ng pagkakasangkot ng laman ay dulot ng biyaya ng Diyos. Tunay akong pinagpala na mamuhay sa loob ng mga salita ng Diyos at makasama Siya sa aking tabi. Ang pagmamahal sa isa’t isa at magkasundong pakikipag-ugnayan ay ang tunay na kaligayahan. Sa pagsasagawa at pagdanas sa mga salita ng Diyos, natatamasa ko ang gawain ng Banal na Espiritu. Unti-unti akong pumapasok sa katotohanang realidad, at ang buhay ko ay lumalago. Matatapat na tao, halikayo madali, mag-usap tayo, puso sa puso. Lahat ng mga taong umiibig sa Diyos, halikayo’t magsama-sama bilang mabubuting magkaibigan. Lahat ng mga taong umiibig sa katotohana’y magkakapatid. O maliligayang tao, halikayo umawit at umindak sa papuri sa Diyos.