601 Ang mga Landas nina Pedro at Pablo

1 Anong landas ang tinatahak ninyong lahat ngayon? Kung wala ito sa katulad na antas na tinahak ni Pedro ukol sa paghahangad sa buhay, pag-unawa sa sarili, at pagkilala sa Diyos, kung gayon ay hindi mo tinatahak ang landas ni Pedro. Nasa ganitong uri ng kalagayan ang karamihan ng mga tao ngayon: “Upang makamit ang mga pagpapala, dapat kong gugulin ang aking sarili para sa Diyos at magdusa para sa Kanya. Upang makamit ang mga pagpapala, dapat kong talikdan ang lahat para sa Diyos; dapat kong tapusin ang ipinagkatiwala Niya sa akin, at tuparing mabuti ang aking tungkulin.” Pinangingibabawan ito ng layuning magtamo ng mga pagpapala, na isang halimbawa ng paggugol sa sarili sa kabuuan para sa layunin ng pagkakamit ng mga gantimpala mula sa Diyos at pagkakamit ng isang korona. Hindi nagtataglay ng katotohanan ang mga puso ng ganoong mga tao, at tiyak na binubuo lamang ang kanilang pagkaunawa ng ilang salita ng doktrina na ipinangangalandakan nila saan man sila mapadako. Ang landas nila ay ang landas ni Pablo.

2 Bagamat maaaring hindi mo naiplano na tahakin ang landas ni Pablo, ang iyong kalikasan ang nag-aatas na lakarin mo itong daan, at ikaw ay tutungo sa gayong direksiyon kahit hindi mo ito ibig o inaasahan. Bagama’t gusto mong tumahak sa landas ni Pedro, kung hindi malinaw sa iyo kung paano gawin iyan, kung gayon ay tatahakin mo ang landas ni Pablo nang hindi kinukusa: ito ang realidad ng sitwasyon. Inihayag na ng Diyos sa inyo ngayon ang landas tungo sa kaligtasan at pagiging perpekto. Ito ang biyaya at pagpapataas ng Diyos, at Siya ang gumagabay sa inyo tungo sa landas ni Pedro. Kung wala ang gabay at kaliwanagan ng Diyos, walang sinuman ang magagawang tumahak sa landas ni Pedro; ang tanging pagpipilian ay ang bumaba sa landas ni Pablo, sumunod sa mga yapak ni Pablo tungo sa pagkawasak.

3 Hindi kabilang sa landas ni Pablo ang mangyaring makilala niya ang sarili, o maghangad ng isang pagbabago sa disposisyon. Hindi niya kailanman sinuri ang kanyang sariling kalikasan, o hindi siya nakapagtamo ng anumang kaalaman sa kung ano siya; alam lamang niya na siya ang pangunahing pasimuno sa pag-uusig kay Jesus. Hindi siya nagkaroon ng bahagya mang pagkaunawa sa kanyang sariling kalikasan, at pagkaraang tapusin ang kanyang gawain, tunay na naramdaman ni Pablo na siya si Cristo at dapat na gantimpalaan. Ang gawaing ginawa ni Pablo ay pagsasagawa lamang ng paglilingkod para sa Diyos. Para sa kanyang sarili, bagamat nakatanggap siya ng ilang pagbubunyag mula sa Banal na Espiritu, wala siyang kahit anumang katotohanan o buhay. Hindi siya iniligtas ng Diyos; pinarusahan siya ng Diyos.

4 Ang landas ni Pedro ay ang landas sa pagiging ginawang perpekto. Sa pagsasagawa ni Pedro, naglatag siya ng natatanging diin sa buhay, sa paghahangad na makilala ang Diyos, at makilala ang sarili. Sa pamamagitan ng kanyang pagdanas sa gawain ng Diyos, nagawa niyang makilala ang sarili, makapagtamo ng pagkaunawa sa mga tiwaling kalagayan ng tao, mabatid ang kanyang mga sariling pagkukulang, at matuklasan ang pinakamahalagang bagay na dapat itaguyod ng tao. Nagawa niyang mahalin nang tapat ang Diyos, natutuhan kung paano suklian ang Diyos, nakapagtamo ng ilang katotohanan, at nagtaglay ng realidad na hinihingi ng Diyos. Mula sa lahat ng mga bagay na sinabi ni Pedro sa panahon ng mga pagsubok sa kanya, makikita na tunay ngang siya ang may lubos na pagkaunawa sa Diyos. Sapagkat nagawa niyang maunawaan ang napakaraming katotohanan mula sa mga salita ng Diyos, lumiwanag nang lumiwanag ang kanyang landas, at lalo at lalong umaayon sa kalooban ng Diyos.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Tahakin Ang Landas ni Pedro

Sinundan: 600 Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao

Sumunod: 602 Ang Landas ng Matagumpay na Pananampalataya sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito