8 Namamahala ang Makapangyarihang Diyos Bilang Hari
Makapangyarihang Diyos,
Amang walang hanggan, Prinsipe ng Kapayapaan,
S’ya’y naghahari bilang Hari ng lahat!
Ⅰ
Makapangyarihang Diyos,
Amang walang hanggan, Prinsipe ng Kapayapaan,
Diyos na Hari nating lahat!
Kanyang mga yapak sa Bundok ng Olibo,
sa Bundok ng Olibo.
O kay ganda! Makinig!
Tayong mga bantay itaas mga tinig,
itaas ating mga tinig, tayo’y umawit,
pagka’t sa Sion Diyos ay nagbalik.
Nasaksihan ng ating mga mata
ang kapanglawan ng Jerusalem!
Sabay tayong umawit ng buong galak,
pagkat tayo’y inaliw N’ya,
Tinubos N’ya ang Jerusalem.
Sa mga bansa’y pinamalas ng Diyos
ang bisig N’yang banal,
pinakita ang tunay na Siya.
Nakikita’ng pagligtas Niya
hanggang sa dulo ng mundo.
Ⅱ
Makapangyarihang Diyos!
Mula sa trono Mo, ang pitong Espiritu’y sinusugo
sa mga iglesia sa lahat ng dako,
sa mga iglesia sa lahat ng dako
nang mabunyag mga hiwaga Mo.
Ikaw sa Iyong mal’walhating trono,
naghahari sa ‘Yong kahariang tinayo nang matatag
sa kat’wiran at katarungan,
at ang mga bansa’y yumuyukod
sa Iyong harapan, sa Iyong harapan.
Makapangyarihang Diyos!
Pinalaya pamigkis ng mga hari,
ang pinto ng mga lungsod
sa harap Mo’y di na muling magsasara.
Ang liwanag Mong dumating,
maluwalhating ilaw ng Iyong
kadakilaa’y magniningning.
Ⅲ
Lupang binalot ng dilim, taong kinain ng lagim.
Ah... Nagpakita Ka at ilaw Mo’y kami liwanagan.
Diyos, nagpakita Ka, kami’y liwanagan.
Luwalhati Mo sa ami’y nahahayag.
Lahat ng mga bansa’y paroon sa ilaw Mo,
mga Hari nila patungo sa liwanag Mo.
Tumitingin Ka sa paligid Mo,
sa ‘Yo’y nangagtitipon mga anak Mong lalaki.
Sila’y nagmula sa malayong lugar,
babaeng anak taglay ng bisig Mo.
Makapangyarihang Diyos!
Kami ay binigkis ng dakilang pag-ibig Mo.
Ikaw ang umakay sa amin patungo sa Kaharian.
Salita Mong sakdal na tumagos sa ‘ming lubos.
Makapangyarihang Diyos,
pasasalamat at papuri sa ‘Yo.
Salamat at papuri sa ‘Yo.
Sama-samang may payapa’t wagas at tapat na puso,
tingalain Ka at maging saksi,
itaas Ka’t awitan ng papuri.
Buuin ating mga sarili sa pagkakaisa,
upang maging kasiya-siya at kaaya-aya kami sa Iyo.
Nang kami’y maging kasiya-siya
sa Iyo, upang magamit Mo.
Kalooban Mo nawa ang matupad
at maghari dito sa lupa.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 25