7 Ang Banal na Katawang Espirituwal ng Makapangyarihang Diyos ay Nagpakita

Makapangyarihang Diyos

naibunyag mal’walhati N’yang katawan sa publiko.

Banal N’yang katawan nagpakita;

S’ya ay Diyos Mismo: Diyos na lubusang totoo.

Mundo’y nagbagong lahat,

gayundin ang katawang-tao.

S’ya’y nagbagong-anyo upang

maging persona ng Diyos,

may ginintuang korona sa ulo,

puting balabal sa katawan N’ya,

ginintuang sinturon sa dibdib N’ya.

Lahat ng bagay sa mundo’y tuntungan N’ya,

parang liyab ng apoy ang mga mata N’ya,

magkabilang-talim na tabak tangay N’ya,

pitong bit’win sa kanang kamay N’ya.

Daan ng kaharia’y walang-hanggana’t maliwanag,

l’walhati ng Diyos tumataas, sumisikat.

Mga bundok nagsasaya’t katubiga’y nagbubunyi;

araw, b’wan, mga bit’win lahat umiikot,

nakapilang maayos sa tanging totoong Diyos,

na tumupad sa anim-na-libong-taong

planong pamamahala,

at nagbabalik nang matagumpay!


Bawa’t isa’y sumasayaw, lumulundag sa tuwa,

pumapalakpak sa Diyos.

Ang totoong Makapangyarihang Diyos!

Sa mal’wal’hating trono N’ya’y nakaluklok!

Kaya tayo’y magsiawit ng papuri sa Banal Niyang ngalan!

Watawat ng tagumpay ng Makapangyarihan

nakataas na matayog maringal sa Bundok Sion!

Mga bansa’y nagsasaya, mga bayan saanman

nag-aawitang malakas at malinaw!

Bundok Sion nagbubunyi,

l’walhati ng Diyos nangingibabaw!

Di ko kailanman pinangarap S’ya’y makatagpo,

nguni’t ngayo’y nakamtan.

Kaharap S’ya araw-araw,

kinakausap ko’t nilalantad puso ko sa Kanya.

Sa Kanya galing pagkain ko’t inumin,

tustos N’ya lahat ng bagay.

Buhay, salita’t gawa, at aking isipan,

l’walhati N’ya’y sumisikat habang

nangunguna sa paghakbang.

Kung alinmang puso susuway,

paghatol ay agad na nariyan.


Kumakai’t namumuhay kasama ng Diyos;

nasis’yahang naglalakad, Diyos ko’y kaagapay.

Tanggap l’walhati N’ya’t pagpapala,

naghaharing kasama N’ya sa Kanyang kaharian.

Kaysaya-saya! At kaytamis-tamis!

Kaharap bawa’t araw, S’ya’y nangungusap sa amin.

Kausap namin S’ya, naliliwanagan araw-araw,

at may bagong nakikita bawa’t bagong araw.

Buksan mga mata n’yong espirituwal,

hayag mga hiwagang espirituwal ng Diyos!

Pamumuhay ng banal ay malaya.

Halina, h’wag pigilan inyong mga paa.

Sumulong nang sumulong nang mauna,

kamangha-manghang dalisay

na buhay nasa unahan.

Di sapat ang tumikim lamang,

manatiling tumatakbo sa Diyos.

Lahat-nakapaloob at masagana,

lahat nating kulang nasa kamay N’ya.

Magtulungang masigasig,

pumasok sa Kanya, at buhay ay maiiba.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 15

Sinundan: 6 Nagpapakita ang Makapangyarihang Diyos Bilang Araw ng Pagiging Matuwid

Sumunod: 8 Namamahala ang Makapangyarihang Diyos Bilang Hari

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

998 Ang Mensahe ng Diyos

ⅠNakaraa’y lumipas na,huwag na ditong kumapit pa.Nanindigan kayo kahapon.Maging tapat sa Diyos ngayon.Ito’ng dapat n’yong malaman.Kahit...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito