178 Ginagawa ng Diyos na Nagkatawang-tao ang Pinakamahalagang Gawain ng Pagliligtas sa Tao
I
Gawain ng Diyos na nagkatawang-tao
ang pinakadakila sa lahat.
Gawain ng Diyos na nagkatawang-tao,
pinakamalalim sa lahat.
Sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos,
pinakamahalaga ang dalawang ito,
ang dalawang yugtong ito,
gawain ng Diyos na nagkatawang-tao.
Pinakamahalaga sa gawain Niya
ay ginagawa sa katawang-tao.
Pagliligtas ng Diyos sa tao
dapat magawa sa katawang-tao.
Pakiramdam man ng tao
Diyos sa katawang-tao’y ‘di kaugnay,
itong katawang-tao’y totoong hinggil
sa kapalara’t buhay ng tao,
dahil ginagawa Niya ang pinakamahalaga.
II
Katiwalian ng tao’y hadlang
sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao.
Kapaligiran ay malupit,
mababa ang kakayahan ng tao.
Gawain ng mga huling araw ay napakahirap.
Ngunit wastong resulta’y makakamit
sa katapusan ng gawain.
Pinakamahalaga sa gawain Niya
ay ginagawa sa katawang-tao.
Pagliligtas ng Diyos sa tao
dapat magawa sa katawang-tao.
Pakiramdam man ng tao
Diyos sa katawang-tao’y ‘di kaugnay,
itong katawang-tao’y totoong hinggil
sa kapalara’t buhay ng tao,
dahil ginagawa Niya ang pinakamahalaga.
III
Gawain ng Diyos, tama ang epekto.
Walang kapintasan, makakamtan Niya ito.
Ito’ng epekto ng gawain sa katawang-tao,
mas nakakakumbinsi kaysa gawain ng Espiritu.
Tatlong yugto ng gawain, wawakasan na,
tatapusin ng Diyos sa katawang-tao.
Tatlong yugto ng gawain, dapat nang wakasan
ng Diyos na nagkakatawang-tao mismo.
Pinakamahalaga sa gawain Niya
ay ginagawa sa katawang-tao.
Pagliligtas ng Diyos sa tao
dapat magawa sa katawang-tao.
Pakiramdam man ng tao
Diyos sa katawang-tao’y ‘di kaugnay,
itong katawang-tao’y totoong hinggil
sa kapalara’t buhay ng tao,
dahil ginagawa Niya ang pinakamahalaga.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao