879 Ang Diyos Lamang ang Pinakanagmamahal sa Tao
I
Ang Diyos ay nagkakatawang-tao
sa mga huling araw
upang iligtas ang tao dahil mahal Niya ang tao.
Hinimok ng Kanyang pag-ibig,
ginagawa Niya ang gawain ngayon.
Ito’y nasa ilalim ng pundasyon ng pag-ibig.
Ang Diyos ay nagkakatawang-tao
at nagdurusa sa kahihiyan
upang iligtas ang mga yaong tiwali.
Tinitiis Niya ang gayong sakit.
Paulit-ulit, ipinakikita N’ya ang Kanyang
‘di masukat na pagmamahal.
‘Di nais ng Diyos
na ang sinumang kaluluwa’y mawala.
Walang pakialam ang tao
kung ano ang kanyang hinaharap.
‘Di alam ng tao kung paano
mahalin ang kanyang buhay.
Ngunit ang Diyos, oo.
Siya lamang ang nagmamahal sa tao.
II
Ang mga salita ng Diyos ay nagpapaginhawa,
nagpapasigla sa tao.
Ang mga ito’y humahatol, sumusumpa,
nagsisiwalat at nangangako.
Anuman ang sinasabi ng Kanyang mga salita,
ito’y nagmumula sa Kanyang pagmamahal.
Ito ang diwa ng Kanyang gawain.
Bakit maraming malapit na sumusunod?
Bakit kaya sila puno ng lakas?
Ang pag-ibig at kaligtasan ng Diyos,
lahat sila’y nakakita.
Ang tiyempo ng Diyos ay perpekto.
‘Di Siya nagpapaliban.
‘Di nais ng Diyos
na ang sinumang kaluluwa’y mawala.
Walang pakialam ang tao
kung ano ang kanyang hinaharap.
‘Di alam ng tao kung paano
mahalin ang kanyang buhay.
Ngunit ang Diyos, oo.
Siya lamang ang nagmamahal sa tao.
III
Kaya sino ang pinakanagmamahal sa’yo?
‘Di mo mahal sarili mo.
Ang pag-ibig ng Diyos ang pinakatotoo,
mararamdaman mo.
Kung Siya’y ‘di naging tao,
laging namatnubay at namuhay kasama ng tao,
magiging mahirap para sa kanila
na malaman ang pag-ibig ng Diyos.
‘Di nais ng Diyos
na ang sinumang kaluluwa’y mawala.
Walang pakialam ang tao
kung ano ang kanyang hinaharap.
‘Di alam ng tao kung paano
mahalin ang kanyang buhay.
Ngunit ang Diyos, oo.
Siya lamang ang nagmamahal sa tao.
Oo, ang Diyos lamang ang nagmamahal sa tao.
Mahal Niya ang tao.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Alam Mo Ba ang Pag-ibig ng Diyos sa Sangkatauhan?