878 Bawat Hakbang ng Gawain ng Diyos ay para sa Buhay ng Tao

I

Diyos ay naging tao na sa panahong ‘to

upang tapusin ang gawain Niyang ‘di natapos,

hatulan at tapusin ang panahong ‘to,

makasalana’y iligtas sa mundo ng kirot

at lubos silang baguhin.


Maraming gabing walang tulog ang Diyos

para sa gawain ng tao.

Sa taas hanggang sa kalaliman, Siya’y bumaba na

sa impyernong buhay upang makasama ang tao.

Nanlilimahid na mundo’y wala Siyang reklamo,

‘di sinisisi’ng pagsuway ng tao,

bagkus kahihiya’y Kanyang tinitiis

habang ginagawa Niya ang gawain.


II

Pa’no’ng Diyos ay ginugol ang buhay sa impyerno?

Ngunit upang tao’y agad makapahinga,

tinitiis na Niya’ng kahihiya’t kawalang-katarungan

nang maparito sa lupa’t pumasok sa “impyerno,”

para maligtas ang tao.


Ano’ng nagkwakwalipika sa taong

labanan ang Diyos?

Pa’no nakakareklamo’ng tao laban sa Kanya?

O may tapang na tumingin sa Diyos?

Diyos na galing sa langit

ay dumating na sa maruming lupain,

‘di kailan nagbubulalas ng mga hinaing

o nagrereklamo tungkol sa tao.


III

Tahimik Niyang tinatanggap

ang pang-aapi’t pang-aabuso ng tao,

‘di kailan tumutol sa hinihingi ng tao

o humingi ng mga ‘di makatwirang bagay;

walang reklamo Niyang ginagawa’ng

kailangan ng tao.


Alin sa mga hakbang Niya’ng ‘di para sa tao?

Siya’y nagbibigay-liwanag, nagpipino sa salita;

nang-aaliw, naghahatol at naghahayag.

Kahit naalis na Niya’ng kapalaran ng tao,

lahat ay para sa pananatiling buhay ng tao,

at para sa paglaya niya sa hirap at sa kadiliman.


Sino’ng inuunawa ang puso ng Diyos,

na tulad ng sa isang inang mapagmahal?


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos. Gawain at Pagpasok

Sinundan: 877 Ang Diyos ay Nagtitiis ng Matinding Kahihiyan para Iligtas ang Sangkatauhan

Sumunod: 879 Ang Diyos Lamang ang Pinakanagmamahal sa Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito