710 Tanging ang Pagsunod sa Gawain ng Diyos ang Nagdadala ng Pagbabago sa Disposisyon
I
Kung nakakasunod ka
sa kasalukuyang mga salita ng Banal na Espiritu’t
nararanasan ang gawain ng Diyos,
ang disposisyon mo’y maaaring magbago.
Kung sinusunod at hinahanap mo
ang sinasabi ng Banal na Espiritu,
ika’y isa na sumusunod sa Kanya;
magkakaroon ng pagbabago sa’yo.
Tao’y nagbabago sa bagong salita ng Espiritu.
Kung kakapit ka sa nakaraan,
‘di ka magbabago.
Dapat mong sundin ang patnubay ng Espiritu,
sundin anumang sabihin ng Diyos.
Hindi mababago ng mga tao
ang sarili nilang disposisyon.
Dapat silang mahatula’t makastigo,
mapino’t matabasan ng mga salita ng Diyos.
Saka lamang nila makakamit ang
pagsunod at katapatan sa Diyos,
‘di dinadaan sa mga galawan
o panloloko sa Kanya.
II
Sa pagpipino gamit ang mga salita ng Diyos,
nagbabago’ng disposisyon ng mga tao.
Hinahatula’t nilalantad ng mga salita ng Diyos,
sila’y ‘di na padalus-dalos bagkus ay mahinahon.
Higit sa lahat, sila’y nagpapasakop
sa kasalukuyang gawai’t mga salita ng Diyos,
isinasantabi mga haka-haka ng tao,
at kusang-loob na tumatalima.
Hindi mababago ng mga tao
ang sarili nilang disposisyon.
Dapat silang mahatula’t makastigo,
mapino’t matabasan ng mga salita ng Diyos.
Saka lamang nila makakamit ang
pagsunod at katapatan sa Diyos,
‘di dinadaan sa mga galawan
o panloloko sa Kanya.
III
Dati’y pagtalikod sa sarili’ng
kahulugan ng pagbabago,
ang disiplina’t pagdurusa ng laman,
pagtalikod sa mga makalamang kagustuhan;
ito’y isang uri ng pagbabago sa disposisyon.
Ngayon, alam ng lahat na ang pagtalima
sa kasalukuyang mga salita ng Diyos
at pag-alam sa Kanyang bagong gawain
ang totoong tanda ng pagbabago.
Lumang haka-haka ng tao sa Diyos
ay kayang mabura
upang tunay na makilala at sundin ang Diyos.
Tanging ito’ng tunay na pagpapahayag
ng pagbabago sa disposisyon.
Hindi mababago ng mga tao
ang sarili nilang disposisyon.
Dapat silang mahatula’t makastigo,
mapino’t matabasan ng mga salita ng Diyos.
Saka lamang nila makakamit ang
pagsunod at katapatan sa Diyos,
‘di dinadaan sa mga galawan
o panloloko sa Kanya.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Taong Nagbago Na ang Disposisyon ay Yaong mga Nakapasok Na sa Realidad ng mga Salita ng Diyos