722 Sumunod sa Nagkatawang-taong Diyos Upang Gawing Perpekto
I
Nais makamit ng nagkatawang-taong Diyos
ang nakaayon sa puso Niya.
‘Wag mamuhay sa imahinasyon
kundi sundin gawain Niya.
‘Wag isipin ang mga ideya ng Diyos sa langit
o pahirapan ang nagkatawang-taong Diyos.
Yaong sumusunod sa Kanya’y
sumusunod sa plano Niya’t
nakikinig sa Kanyang mga salita.
‘Di nila pansin kung ano Siya’t
ano’ng ginagawa ng Diyos sa langit,
puso’y ‘binibigay sa Diyos sa lupa.
‘Nilalagay buong pagkatao nila sa harap Niya.
‘Di kailanman iniisip ang sariling kaligtasan.
‘Di sobrang nag-aabala
sa nagkatawang-taong Diyos,
sa pagiging normal at praktikal Niya.
Yaong sumusunod sa katawang-taong Diyos
ay maaaring maperpekto,
yaong naniniwala sa Diyos sa langit
ay walang mapapala.
Ito’y dahil ang Diyos sa lupa,
‘di ang Diyos sa langit,
ang nagkakaloob sa tao
ng mga pangako’t biyaya.
II
‘Di makatarungang palakihin ang Diyos sa langit
at tingnan ang Diyos sa lupa
bilang karaniwang tao.
Diyos sa langit ay dakila,
kamangha-mangha’t marunong.
Ngunit ang Diyos na ito’y ni hindi umiiral.
Diyos sa lupa’y karaniwa’t ‘di kapansin-pansin,
Siya’y napakanormal, kilos ay ‘di nakakagulat,
at isip Niya’y ‘di pambihira.
Siya’y normal at praktikal
kung gumawa at magsalita.
Kahit Siya’y ‘di nagsasalita sa paraan ng kulog,
‘di Niya pinapatawag ang hangin at ang ulan,
Siya’y tunay na pagkakatawang-tao
ng Diyos sa langit,
at Diyos na namumuhay sa gitna ng mga tao.
Yaong sumusunod sa katawang-taong Diyos
ay maaaring maperpekto,
yaong naniniwala sa Diyos sa langit
ay walang mapapala.
Ito’y dahil ang Diyos sa lupa,
‘di ang Diyos sa langit,
ang nagkakaloob sa tao
ng mga pangako’t biyaya.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Tunay na Nagmamahal sa Diyos ay Yaong mga Talagang Nagpapasakop sa Kanyang Pagiging Praktikal