721 Yaong mga Hindi Sumusunod sa Diyos ay Kumokontra sa Diyos

1 Bakit ka naniniwala sa Diyos? Karamihan ng mga tao ay nalilito sa tanong na ito. Palagi silang mayroong dalawang lubos na magkaibang pananaw tungkol sa praktikal na Diyos at sa Diyos na nasa langit, na nagpapakitang naniniwala sila sa Diyos hindi para sumunod sa Kanya, kundi para makatanggap ng ilang mga pakinabang, o para makatakas sa pagdurusa na dala ng sakuna; saka lamang sila medyo masunurin. May pasubali ang pagsunod nila; ito ay alang-alang sa mga pansarili nilang pag-asam, at ipinilit sa kanila. Kung hindi itinayo ang pananampalataya mo sa pundasyon ng pagsunod sa Diyos, parurusahan ka sa huli sa pagsalungat sa Kanya.

2 Lahat yaong mga hindi naghahangad ng pagsunod sa Diyos sa pananampalataya nila ay sumasalungat sa Kanya. Hinihiling ng Diyos na hanapin ng mga tao ang katotohanan, na mauhaw sila sa mga salita Niya, kainin at inumin ang mga salita Niya, at isagawa ang mga ito, upang makamit nila ang pagsunod sa Diyos. Kung ang mga ito ang tunay mong mga layon, tiyak na itataas ka ng Diyos, at tiyak na magiging mapagbiyaya sa iyo. Ito ay hindi mapagdududahan at hindi mababago. Kung ang layon mo ay hindi sumunod sa Diyos, at mayroon kang ibang mga pakay, lahat ng sinasabi at ginagawa mo—ang panalangin mo sa harap ng Diyos, at maging ang bawat kilos mo—ay magiging pagsalungat sa Kanya.

3 Maaaring ikaw ay malumanay magsalita at may banayad na asal, maaaring mukhang wasto ang bawat kilos at pagpapahayag mo, at maaaring mukha kang isang taong sumusunod, ngunit pagdating sa mga layon mo at sa mga pananaw mo tungkol sa pananampalataya sa Diyos, pagsalungat sa Diyos ang lahat ng ginagawa mo; kasamaan ang lahat ng ginagawa mo. Ang mga taong lumilitaw bilang masusunurin tulad ng mga tupa, ngunit nagkikimkim ang mga puso ng masasamang pakay, ay mga lobong nakadamit ng pang-tupa. Tuwiran silang nagkakasala sa Diyos, at hindi ititira ng Diyos ang kahit isa sa kanila. Ibubunyag ng Banal na Espiritu ang bawat isa sa kanila at ipapakita sa lahat na yaong mga mapagkunwari ay tiyak na kamumuhian at tatanggihan ng Banal na Espiritu. Huwag mag-alala: Pakikitunguhan at itatapon ng Diyos ang bawat isa sa kanila nang sunud-sunod.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pananampalataya Mo sa Diyos, Dapat Kang Sumunod sa Diyos

Sinundan: 720 Nais ng Diyos ang Tunay na Pagsunod ng Tao

Sumunod: 722 Sumunod sa Nagkatawang-taong Diyos Upang Gawing Perpekto

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito