723 Ang mga Pamantayan sa Pagsunod ng Tao sa Diyos
1 Sa pagsukat kung masusunod ng mga tao ang Diyos o hindi, ang mahalagang tingnan ay kung may hinahangad silang anumang labis-labis mula sa Diyos, at kung may iba pa silang mga lihim na motibo o wala. Kung palagi kang humihiling sa Diyos, pinatutunayan nito na hindi ka masunurin sa Kanya, na nakikipagkasundo ka sa Kanya, na pinipili mo ang mga sarili mong saloobin, at kumikilos ayon sa mga sarili mong saloobin. Dito, ipinagkakanulo mo ang Diyos, at walang pagsunod. Walang katuturan ang paghingi sa Diyos; kung totoong naniniwala ka na Siya ang Diyos, hindi ka mangangahas na humiling sa Kanya, o hindi ka magiging karapat-dapat na humiling sa Kanya, makatwiran man ang mga ito o hindi. Kung may totoo kang pananampalataya, at naniniwala na Siya ang Diyos, kung gayon ay wala kang mapagpipilian kundi sambahin at sundin Siya.
2 Hindi lamang may mapagpipilian ang mga tao ngayon, kundi pinipili nila ang sarili nilang mga saloobin at hinihingi na kumilos ang Diyos ayon sa mga ito, at hindi nila hinihingi sa kanilang sarili na kumilos ayon sa mga saloobin ng Diyos. Samakatuwid, walang totoong pananampalataya sa tao, walang malaking pananampalataya, at hindi nila kailanman matatanggap ang papuri ng Diyos. Kapag nagagawa mong bawasan ang mga hinihingi mo sa Diyos, lalago ang iyong totoong pananampalataya at pagiging masunurin, at magiging normal din kung ihahambing ang iyong katinuan. Kung totoong magagawa mong sumunod, susundan mo Siya nang may isang puso at isipan, kasangkapanin ka man Niya o hindi, at magagawa mong gumugol para sa Kanya may katayuan ka man o wala. Saka ka lamang magtataglay ng katinuan at magiging isang tao na sumusunod sa Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Masyadong Maraming Hinihingi ang mga Tao mula sa Diyos