719 Yaong mga Tunay na Sumusunod sa Gawain ng Diyos ang Maaari Niyang Makamit
I
Ang hinihingi ng Diyos na isabuhay ng tao
ay na sundin mo ang sinasabi Niya,
at na maisasagawa mo ito,
yumuko sa harap ng praktikal na Diyos,
batid ang sarili mong katiwalian,
buksan ang ‘yong puso sa Kanyang harapan,
at sa gayon maaari ka Niyang makamit
sa mga salita Niyang ito.
Kaluwalhatian ng Diyos
kapag lupigin ka ng salita Niya’t
gawin kang lubos na masunurin sa Kanya.
Sa ganito, ipinapahiya Niya si Satanas
at winawakasan Kanyang mga gawain.
Kapag ika’y walang mga kuru-kuro
sa praktikal na nagkatawang-taong Diyos,
ay iyo nang naipasa ang pagsubok,
at napatotohanan mo ito.
Ang pagbibigay ng matunog na patotoo
para sa Diyos
ay kung nauunawaan mo ang praktikal na Diyos,
at kung kaya mong magpasakop
sa harap nitong tao na normal at karaniwan,
at magpasakop hanggang iyong kamatayan.
Kung nagpapatotoo ka nang gan’to sa Diyos,
nangangahulugang ikaw
ay nakamit na ng Diyos.
II
Kung balang araw
ay iyong lubos na maunawaan
ang praktikal na Diyos at magpasakop sa Kanya
hanggang sa ‘yong kamatayan, tulad ni Pedro,
kung gayo’y makakamit ka na ng Diyos
at gagawin Niyang perpekto.
Ito’y sapagkat praktikal ang Diyos
kaya mga tao’y may pagsubok.
Kanyang gawai’y tunay, ‘di kababalaghan.
Kanyang mga salita ay praktikal.
Sa pag-unawa nang walang haka-haka
sa Kanyang salita,
sa tunay na pagmamahal sa Kanya
habang Kanyang gawain
ay lumalagong praktikal,
ika’y Kanyang makakamit.
Lahat ng mga tao na makakamit ng Diyos
ay mga yaong batid Siya.
Sila’ng may alam na Siya ay praktikal,
kayang magpasakop
sa gawaing praktikal ng Diyos.
Ang pagbibigay ng matunog na patotoo
para sa Diyos
ay kung nauunawaan mo ang praktikal na Diyos,
at kung kaya mong magpasakop
sa harap nitong tao na normal at karaniwan,
at magpasakop hanggang iyong kamatayan.
Kung nagpapatotoo ka nang gan’to sa Diyos,
nangangahulugang ikaw
ay nakamit na ng Diyos.
Kung sa Kanya’y magpapasakop ka
hanggang kamatayan
walang daing, walang paghuhusga,
walang kuru-kuro, walang lihim na motibo,
sa gayon matatamo ng Diyos
ang kaluwalhatian.
Ang pagpapasakop
sa karaniwang tao na hinamak
maging hanggang kamatayan,
na walang anumang haka-haka, ito ang patotoo.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Tunay na Nagmamahal sa Diyos ay Yaong mga Talagang Nagpapasakop sa Kanyang Pagiging Praktikal