720 Nais ng Diyos ang Tunay na Pagsunod ng Tao
I
Sa pamamagitan ng pagsunod,
tao’y pineperpekto ng Diyos,
sa kasiyahan nila sa salita Niya’t
paghihirap sa buhay.
Sa ganoong pananalig lamang
disposisyon nila’y mababago
para magkaroon sila
ng tunay na kaalaman sa Diyos.
Ang tumatamasa lang sa biyaya Niya,
‘di mapeperpekto o mababago.
Pasensiya’t kabanalan nila,
pagsunod at pag-ibig ay mababaw lang.
‘Di nila tunay na makikilala ang Diyos,
at kahit pa Siya’y kilala nila,
ito’y mababaw na kaalaman lamang.
Sinasabi nila, “mahal at nahahabag ang Diyos sa tao.”
‘Di ito nagpapakita ng tunay na kaalaman sa Diyos.
Kung ‘di ka nasisiyahan
sa pamumuhay sa biyaya ng Diyos,
kung aktibo kang nananabik
at katotohana’y hanap mo,
at kung ika’y naghahangad na makamit ng Diyos,
pananalig ‘yan na nais Niya,
pananalig ‘yan na nais Niya,
‘pagkat sadyang pagsunod ‘to sa Diyos.
II
Kung ‘di kayang sundin ng tao ang Diyos,
nagiging mapagduda, bumabagsak
‘pag pinipino ng salita Niya o sinusubok Niya,
yao’y ‘di tunay na pagsunod.
Sa loob nila’y may patakaran
sa pananalig sa Diyos
at mga doktrinang batay sa Bibliya.
Mga taong puspos ng pantaong bagay,
sumusunod sa Diyos ayon sa nais.
Nanaisin ba ng Diyos ang ganitong pagsunod?
Pagpapahinahon, pagpapalugod ‘to sa sarili,
hindi ito ang pagsunod sa Diyos.
Kung sasabihin mong ito iyon,
‘di ba ‘yon kalapastanganan?
Isa kang Ehiptong Faraon,
gumagawa ng masama, sumasalungat sa Diyos.
Hindi ganyan ang gusto Niyang paglilingkod mo.
Kaya’t magsisi’t magkaroon ng kamalayan sa sarili.
Huwag manggulo, bagkus alamin ang ‘yong lugar,
kundi parurusahan ka sa pagsalungat sa Diyos.
Kung ‘di ka nasisiyahan
sa pamumuhay sa biyaya ng Diyos,
kung aktibo kang nananabik
at katotohana’y hanap mo,
at kung ika’y naghahangad na makamit ng Diyos,
pananalig ‘yan na nais Niya,
pananalig ‘yan na nais Niya,
‘pagkat sadyang pagsunod ‘to sa Diyos,
‘pagkat sadyang pagsunod ‘to sa Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pananampalataya Mo sa Diyos, Dapat Kang Sumunod sa Diyos